Editorial January 18, 2020 Napakalawak ng naabot ng pinsalang idinudulot ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas. Maraming bayan at siy...
January 18, 2020
Napakalawak ng naabot ng pinsalang idinudulot ng pagputok ng bulkang Taal sa Batangas. Maraming bayan at siyudad sa CALABARZON, METRO MANILA, at CENTRAL LUZON ang hanggang ngayon ay nakalubog pa sa pinsalang dulot ng bulkan na patuloy pa ring nag-aalburuto at nagbubuga ng abo.
Ayon sa mga awtoridad, nang may posibilidad pang mas matindi ang pagsabog, at ang pagbuga ng mapaminsalang abo at usok ay maaaring tumagal ng pitong (7) buwan o higit pa.
Libo-libong residente na ang nailikas at nagsisiksikan sa mga evaciation centers. Kung hanggang kailan ang itatagal nila noon, at kung hanggang kailan magaaburutu ang Taal Volcano, tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam.
Sana, tayong lahat ay Magdasal. Manalangin sa Diyos na iligtas ang Batangas, sagipin ito at huwag sanang tuluyang malugmok. Ipagdasal natin at ihingi ng awa sa Diyos ang lahat ng bayang pinipinsala ng pagsabog ng Taal.
Bukod sa dasal, samahan natin ito ng pagtulog sa mga taong lubhang sinasalanta ng kalamidad. Kung anuman mayroon tayo, ibahagi natin sa kanila.
Hindi naman kailangang maging mayaman tayo para makatulong. Kung ano ang kayang ibahagi, malaki ang magagawa nito sa mga evacuees na tila nawawalan na nga ng pag-asa.
Sa gitna ng napakatinding krisis na dinaranas ngayon, nakapagtatakang may mga tao pa ring walang puso, walang pakundangan at nagagawa pa ring magsamantala.
May napaulat na sa kabila ng total lockdown sa Talisay, may nakakalusot pang mga nag-looting o sumalisi para makapagnakaw. May mga negosyante ring itinaas sa halagang P200 ang presyon ng gas mask nagkakaubusan na ng supply.
Mga anak kayo ng D_ _ niyo! Dapat sa inyo, ihulog sa pumuputok na bulkan, o kaya ilibing nang buhay at tabunan ng makapal na ashfall.
Patawarin nawa sila ng Diyos.
At para sa mga apektado, huwag tayong mawalan ng PAG-ASA.
Hindi po tayo pababayaan ng Diyos. Ituring nating isa laang itong napakatinding pagsubok na malalampasan din.
Pagkatapos ng dilim, maynliwanag.
God bless all.
No comments