By Carlo P. Gonzaga January 18, 2020 LUNGSOD NG CALAMBA - May 27,312 pamilya na ang apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal ayon sa pah...
January 18, 2020
LUNGSOD NG CALAMBA - May 27,312 pamilya na ang apektado ng pag-alburuto ng Bulkang Taal ayon sa pahayag ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRO) ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas sa isinagawang status update meeting kaninang hapon.
Sinabi ni Batangas PDRRMO Joselito Castro na ang nabanggit na bilang ng mga apektadong pamilya ay binubuo ng 125,107 katao na nasa 393 evacuation centers. "Hindi pa kabilang dito ang mga evacuees na napaulat na lumikas sa Quezon at Laguna."
Ayon pa kay Castro, nakikipag-ugnayan na ang Office of Civil Defense (OCD) sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, at Quezon upang matukoy ang mga posibleng evacuation centers kung sakaling may mga Batangueno na kailangan pang lumikas.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Kaugnay nito, gumawa ng FB page na "Batangas Province Relief Operations" ang Batangas Public Information Office (PIO) upang mas matutukan at magkaroon ng sistematikong pagtatala ng mga evacuees na hindi kabilang o wala sa listahan sa mga evacuation centers.
Bunsod nito, nanawagan ang Batangas PIO sa mga bakwit (evacuees) na nakikitira sa mga kamag-anak, kaibigan, at mga pribadong tahanan na magrehistro sa pamamagitan ng pag-fill up ng form na nakalagay sa link sa nabanggit na FB page upang makalap ang mga sumusunod na detalye: pangalan; lugar na pinanggalingan; pangalan ng mga anak at edad; pangalan ng senior citizens na kasama; pangalan ng may ari ng bahay na pansamantalang tinutuluyan; lugar ng tinitirahan; at numero na puwedeng tawagan.
Ayon sa Batangas PIO, sa pagpaparehistro, maisasama sa bilang ang bawat bakwit na lumisan papunta sa kanilang mga kamag-anak o mga lugar sa labas ng probinsiya.
Ipinapabatid din ng Batangas PIO na ang "Batangas Province Relief Operations" FB page ay lehitimo at hindi peke. (CPG at ulat mula kay Bhaby De Castro at Batangas PIO.

No comments