Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Murder case ng ex-solon, patuloy na iniimbestigahan

By Lolitz Estrellado January 18, 2020 SOCO habang sinisiyasat ang sinunog na sasakyan na sinasakyan ni former Batangas Rep. Edgar Mendo...

By Lolitz Estrellado
January 18, 2020

SOCO habang sinisiyasat ang sinunog na sasakyan na sinasakyan ni former Batangas Rep. Edgar Mendoza at ang dalawang kasama nitong sina Ruel Ruiz, driver at security escort na si Nicanor Mendoza.. (Photo by Gemi Formaran)

LIPA CITY - Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang kaso ng pagpatay sa dating kinatawan ng Second District of Batangas na si Edgar Mendoza.

Ayon kay Max Salvador, hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon (CALABARZON) Region IV-A,  mayroon na silang dalawang (2) persons of interest sa murder ng dating kongresista at ng dalawang kasama nitong sina Ruel Ruiz, driver at security escort na si Nicanor Mendoza.

Ang 2 persons of interest, na motorcycle-riding men, ay iniulat na nakitang nakabuntot sa sasakyan ng mga biktima habang ito ay patungong Tiaong, Quezon kung saan matagpuan ang nasusunog na sasakyan at ang  mga halos hindi na makilalang bangkay ng mga biktima.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Sinabi ni Salvador sa isang media interview na titingnan nila ang video footage na kuha ng closed-circuit television cameras na nakabit sa mga kalapit na lugar o barangay upang matukoy ang mga suspects at ang numero ng plaka ng sinasakyang motorsiklo.

Noong una umano ay isa lamang na lalaki  ang nakitang sakay ng motorsiklong nakabuntot sa sasakyan ng mga biktima. Subalit kalaunan ay nakitang may isa pag lalaki itong angkas.

Matatandaang noong nakaraang Huwebes, Enero 9, 2020 ay natagpuan sa Tiaong ang nasusunog na sasakyan ng dating congressman, ang charred bodies ng driver at security escort nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng pamilya ni Mendoza na ito ay patungong Calamba, Laguna at may meeting ito doon kaya nagtataka umano sila nang hindi ito makauwi nang araw na iyon at sa Tiaong, Quezon natagpuan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.