January 4, 2020 (Photo by Radyo Pilipinas Lucena) LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Aabot sa mahigit-kumulang limampung-libong piso ang hal...
(Photo by Radyo Pilipinas Lucena) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Aabot sa mahigit-kumulang limampung-libong piso ang halaga ng mga paputok na nakumpiska ng PNP Lucena sa paglilibot nito bago at pagsapit ng Bagong Taon.
Sa panayam kay Police Major Marcelito Platino, Deputy Chief of Police ng Lucena PNP, sinabi nitong hindi lahat ng nakumpiskang paputok ay ilegal, pero ibinenta naman ng mga walang kaukulang permit, at sa hindi itinalagang lugar.
Nakumpiska rin ng kapulisan ang dalawang-daang piraso ng ipinagbabawal na whistle bomb, at ilang piraso ng piccolo.
Ayon kay Maj. Platino, itu-turn-over nila sa provincial headquarters ang mga paputok, na sa kalaunan ay ibababad sa tubig at itatapon.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Samantala, limang katao lamang sa lungsod ang naitalang naputukan.
Nagtamo lamang ang mga ito ng minor injuries at agad ding nakauwi sa kanilang tahanan matapos malapatan ng lunas sa ospital.
Wala namang naitalang biktima ng indiscriminate firing hanggang sa mga sandaling ito.
Ibinaba na rin sa “blue alert” mula sa “red alert” ang status ng Incident Command Center sa lungsod, pero nagpapatuloy ang operasyon ng kapulisan para tiyakin ang kaligtasan ng publiko. (Mara Pepaño, RP Lucena)

No comments