Editorial January 11, 2020 Ayon sa lumabas na resulta ng isang survey may 66 porsiyento umano ng mga Pilipino ang maganda at punong-pun...
January 11, 2020
Ayon sa lumabas na resulta ng isang survey may 66 porsiyento umano ng mga Pilipino ang maganda at punong-puno ng PAG-ASA ang pagturing sa taong 2020.
Anila, ang 2020 ay maganda ang ibinabadya, at may pahiwatig ng malaking pag-asa para sa isang maayos, masaya at masagana o maginhawang buhay.
Ayon pa rin sa kanila, nakikita nila ang 2020 bilang taon ng mga bagong simulain at mga pagbabago para sa kabutihan; isang malakas, maunlad at mapalad na taon, na ang bawa't isa ay magpapakita ng matibay na determinasyon upang matupad at maabot ang kanilang mga layuning, at hangarin.
POSITIBONG PANANAW. Iyan talaga ang nararapat upang maging positibo rin ang ating anihin sa taong ito.
BAWAL ANG NEGATIBO. Sa ganito paraan, magiging magaan ang lahat ng PAGKILOS.
PAG-ASA AT PAGKILOS O AKSYON ang tunay na magiging daan upang makamit ang isang magandang buhay.
Huwag puro pag-asa. Asa lang ng asa, kaya ang nangyayari tuloy, ASA SA WALA.
Dapat may PAGKILOS, at AKSYON para maging MATAGUMPAY. Kapag kumikilos, may aasahan talaga.
Iyan ay katulad din ng kasabihang "Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa."
Magdasal, humingi ng awa at biyaya ng GAWA. At tiyak may magandang resulta. Gaganda ang buhay kung sa bawa't pagkilos ay nasa sentro ang DIyos.
At kung nasa gitna ng ating buhay ang Diyos, gabay sa paglalakbay, lalaging may PAG-ASA at pananalig na gaganda at uunlad ang ating kinabukasan.
At huli man (hindi pa naman huling-huli), HAPPY NEW YEAR, PROSPEROUS 2020 po sa ating lahat. MABUHAY.
No comments