By Lolitz Estrellado January 4, 2020 Photo by Vagabond Vivant LIPA CITY - Malamang tumaas na naman ngayong Enero ang pasahe, min...
By Lolitz Estrellado
January 4, 2020
Photo by Vagabond Vivant |
LIPA CITY - Malamang tumaas na naman ngayong Enero ang pasahe, minimum fare sa mga jeepney.
Ayon sa ilang transport group, ikakasa nila ang minimum jeepney fare na P11 ngayong Enero 2020 mula sa P9 sa unang 4 na kilometro.
Sa isang panayam kay Pasang Masda president Obet Martin, ikinatwiran nito na tataas ng P1.50 kada litro ang presyo ng kurdo sa Enero 1, 2020 dahil sa Tax Reform Law.
Ang nasabing taas-presyo ay masyado umanong mabigat sa bulsa ng tsuper na kumikita lang ng P400-P600 para sa 14-16 oras na pamamasada.
Idinagdag pa ni Martin na maaari pang tumaas sa P12 ang hihingin nilang minimum fare kung papalo ang kanilang grupo sa P14 ang kada litro ng diesel.
Nangako naman si Fejodap president Zeny Maranan na hindi magsasagawa ng transport strike ang kanilang grupo sakaling mabinbin o matagalan ang pagpasa sa taas pasahe.
Samantala, sa kahiwalay na panayam kay Bayan Muna Representative Carlos Zarate, nagbigay din ito ng paalala na posibleng tumaas din ang presyon ng mga pangunahing bilihin ngayong bagong taon.
Ipinaliwanag ni Zarate na ito ay dahilan sa ikatlong bugso ng excise tax sa langis sa ilalim ng TRAIN Law.
Ayon kay Zarate, mismong ang Department of Energy (DOE) ang nagsasabi sa mga kumpanya ng langis na gamitin muna ang kanilang mga lumang stocks bago ipatupad ang dagdag na buwis sa produktong petrolyo.
Sa ilalim ng naturang batas, tataas ang plresyon ng diesel ng P150 kada litro at piso sa gasolina, kerosene at Liquified Petroleum Gas. (LPG).
No comments