By Lolitz Estrellado January 18, 2020 Malakas na pagsabog ng Buklang Taal, ika-12 ng Enero, 2020. (Photo by Wikimedia Commons) BATAN...
January 18, 2020
Malakas na pagsabog ng Buklang Taal, ika-12 ng Enero, 2020. (Photo by Wikimedia Commons) |
BATANGAS CITY - Ang Taal Volcano sa lalawigan ng Batangas ay itinuturing na deadliest volcano sa Pilipinas, ayon sa kay Maritoni Bornas, Chief of Monitoring ng Philippine Volcanology (PHIVOCS).
Noong nakalipas na Linggo, Enero 12, 2020 nagsimulang mag-alburuto ang Taal at napakabilis ng naging aktibidad nito kaya naman madaling araw ng Lunes ay itinaas na ng Alert Level 4 na hanggang sa sinusulat ang balitang ito ay nakataas pa rin, at nag-utos na ng forces evacuation sa mga bayang nasa loob ng 14km radius ng danger zone.
Ayon pa rin sa PHIVOCS, kapag nagkaroon ng volcanic seizures, itataas na ang Alert Level 5 na ang ibig sabihin ay mas matinding pagsabog.
Ipinaliwanag naman ni Paolo Reniva, OIC Resident Volcanologist ng Taal Volcano Observatory, na ang fissures o bitak ng lupa ay sign o tanda ng posibleng mas malakas na pagsabog, na ang epekto ay pyroclastic flow.
Ayon pa kay Reniva, noong nakaraang Lunes ay umabot sa 5,000 tonelada ng sulfur dioxide ang naibuga ng bulkang Taal.
Ang Taal Volcano ay nagpakita na ng kakaibang pagkilos na "Moderate to high level o seismic activity" simula pa noong Marso 28, 2019. At nitong bago ang panahon ng Kapaskuhan ay nagpahayag na PHIVOCS na masusi nilang binabantayan o minomonitor ang nasabing bulkan.
Bagaman at humina na ang pagsabog ng Taal, patuloy pa rin ang pagbuga nito ng abo. Maaari ang pagbuga nito ng abo. Maaari umano nitong nag-iipon lang ng lakas para sa mas matinding pagsabog, ayon pa rin sa PHIVOCS.
Samantala, isinailalim na sa State of Calamity ang buong lalawigan ng Batangas.
"Ang mga opisyal ng Batangas Province, nagdesisyon na ideklara ang State of Calamity sa isang naging pagpupulong ng Sangguniang Panlalawigan. Hindi na po kinakailangan pa ang usual government processes sapagkat nasa emergency ang ating sitwasyon, " pahayag ni Vice Governor Mark Leveste.
Sa ilalim ng State of Calamity magagamit ng pamahalaang panlalawigan ang P60-milyng emergcy funds nito para matulungan ang mga tao at matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.
Ayon naman kay Governor Hermilando Mandanas, noong Huwebes, Enero 16, 2020 ay nagutos na siya ng forced evacuation sa mga bayang nasa loob ng 14km radius.
Kabilang dito ang labindalawang (12) bayan at 2 lungsod - Agoncillo, Alitagtag, Balete, Laurel, Cuenca, Lemery, Malvar, Mataasnakahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Talisay, Taal, Lipa City at Tanauan City.
Ang mga bayan ng Taal, Agoncillo, Talisay, Mataasnakahoy at Laurel ay nagpapatupad na ng total lockdown.
No comments