Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Tawag ng Kalikasan

By Sentinel Times Staff Pikit-pitik Basa January 11, 2020 Sala sa lamig. Sala sa init. Walang pagkalagayang mabuti. Panay reklamo ng mg...

By Sentinel Times Staff
Pikit-pitik Basa
January 11, 2020

Sala sa lamig. Sala sa init. Walang pagkalagayang mabuti. Panay reklamo ng mga tao, isinisi ni Pedro ang lahat kay Juan, na pinasa naman kay Maria hanggang sa magpaikot ikot nalang at walang naging aksyon. MABANAS NAAAAA sigaw ng batok na nangigitata. Bakit wala man lang hangin? Ano na nangyayari sa mundo? Sabay dampot ng telepono,tumipa at pinost sa fesbuk "Yanung banas, epekto na ito nang klaymeyt chain #SaveEarth #maderneture" walang lingon na itinapon ng upos ng sigarilyo sa nadaanang baradong kanal. Ngunit kahit isang puno ay hindi makapagtaniman. Siguro'y dahil ang kaya lang ibigay ng puno sa atin ay ang kanyang lilim at sariwang hangin. Marahil kung ang bawat isang puno makakapag bigay ng libreng wifi baka paramihan na tayo ng naitanim.

Nagagalit tayo sa tuwinang may nakikitang patay na hayop sa dagat man o kalupaan. Palaging sisi ang sandamakmak na basura na tayo rin naman ang may gawa. Nagiging mapagkunwari na ang iba. Sa tuwing trending ang isang isyu pinapatulan, para #earthwarrior. May nalalaman pang donate, magbigay, magtanim, bumuhay. Sa totoo lang naman, likes at post lang mahalaga. Nasusunog ang mga kagubatan sa bansang Australia. Dagsa ang mga celebrities na panay ang post sa kanilang mga platforms. Ang mga ganitong issue ay dapat pagtuunan ng pansin. Subalit mas pinaingay ang issue tungkol sa utos ni Trump sa pagpatay sa high ranking official ng Iran at Iraq. Inililigaw tayo para mawala ang pokus sa nangyayari sa Australia.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Nakakadurog sa puso na makita na umiiyak ang mga hayop, na parang mga tao na nawalan ng mahal sa buhay. Dumaan ang bagong taon, nanood tayo sa magaganda at makukulay na paputok. Habang nagsasaya ang lahat, sa gitna ng kagubatan namamatay ang mga hayop dahil ang natitira nilang tahanan ay natutupok ng apoy. Kasabay ng pagkaubos din ng kanilang lahi. Ano ang motibo sa likod ng malaking pagkasunog na ito? Bakit mas gugustuhin na pagtuunan ng pansin ang isyu ni Trump ? Sino ang nasa likod ng malawakang fire forest? Hindi na ako magtataka kung isang araw ang kagubatan na nasusunog ngayon ay magkakaroon ng matatayog na gusali, o pag aari na ng isang pribadong tao.

Patuloy na inaapula ng gobyerno ng Australia ang apoy. Ang mga turistang malapit at nakakakita ng mga hayop na hirapan at nangangailangan ng tulong ay agarang binibigyan. Lalo na ng mga lunas sa kanilang sugat at lapnos dulot ng apoy. Mapapaluha ang sinumang makakakita ng kalunos-lunos na inaabot ng mga hayop. Ilan sa mga sikat na celebrities tulad nila Chris Hemsworth na nagbigay ng $1 million,ang mag asawang Australian actor na Nicole Kidman at Keith Urban ay nagbigay ng $500,00, Nangako ang gobyerno ng Pilipinas ng ayuda sa pamamagitan ni Philippine Red Cross Chairman Sen. Richard Gordon ay mag aabot ng $100,00 bilang tulong.

Lilipas ang mga taon, magigising tayo na wala ng puno. Ubos na ang "baga" ng mundo. Hindi na tayo makakahinga pa. Sa larawang kupas nalang makikita. Saan tutungo ang henerasyon na paparating? Ang mga punong nasusunog ngayon ay kawalan ng mga susunod na henerasyon. Tayo ngayon dapat ang gumawa ng hakbang,hindi hakbang na manawagan sa social media pero ni isang patak ng tubig ay hindi tayo makapag ambag. Isang hakbang na gigising sa sangkatauhan na may sakit na ang mundo at kailangan na natin syang gamutin.

Panahon pa para isipin natin na ang unti unti paglaho ng ating paraiso. Sa mundong ito, ang lahat ay regalo. Pahalagahan at ingatan para sa susunod pang henerasyon

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.