By Quezon-PIO January 25, 2020 Governor Danilo E. Suare Lungsod ng Lucena, Quezon - Patuloy na ipinaabot ng Pamahalaan ng La...
By Quezon-PIO
January 25, 2020
Governor Danilo E. Suare |
Lungsod ng Lucena, Quezon - Patuloy na ipinaabot ng Pamahalaan ng Lalawigan ng Quezon ang Serbisyong Suarez maging sa ating mga taga-karatig Lalawigan na naglalayong matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng ating mga kababayan na apektado sa pagputok ng Bulkang Taal sa Probinsya ng Batangas. Matatandaan na sa programang “Yakap Kababayan” nasa mahigit labing limang libong evacuees ang pansamantalang tumutuloy sa mga evacuation areas sa ilang bayan ng ikalawang distrito ng Quezon partikular sa bayan ng San Antonio, Dolores, Tiaong, Candelaria at Sariaya.
Kasabay nito ay ipinabatid naman ng mga Alkalde ng mga nabanggit na bayan na sila ay handang tumugon at tumulong sa mga evacuees na nasa pangangalaga ng kanilang mga evacuation sites. Kung saan kamakailan ay personal na binisita ng Ama ng Lalawigan ng Quezon, Governor Danilo E. Suarez ang kababayan natin mula Lalawigan ng Batangas upang kumustahin ang kanilang mga kalagayan at ipagkaloob ang kanilang mga pangangailangan gaya ng hygiene kit, mga gamot at bitamina maging ng mga damit. Lagi rin may nakatalagang stand-by ambulance at rescue vehicle sa mga evacuation areas.
Habang, isa sa nais na bigyang pansin ng Gobernador ng Quezon, Hon. Danilo E. Suarez ay ang pagaaral ng mga kabataang hindi makapasok sa eskwelahan dahil sa kinailangan ng mga itong lumikas dulot ng Bulkang Taal.
Kaugnay nito ay pinabatid ni Governor Suarez na gagawa aniya ang Pamahalaan ng Lalawigan ng Coordination sa DepEd upang matulungan ang mga estudyanteng makapagpatuloy ng kanilang pagaaral na tinatayang may kabuuang nasa mahigit apat na daan kabilang ang mga Elementarya at Sekondaryang magaaral kabilang ang mga kolehiyo. Para naman sa mga college students ay handa rin umano ang Lalawigan upang matulungan silang makapasok sa ilang mga unibersidad sa Probinsya.
Kasabay nito ay nakahanda rin ang Pamahalaang Lalawigan ng Quezon na magbigay ng medical assistance sa mga evacuees na kinakailangan na mabigyan ng medikal na atensyon. Gayon din ay inatasan ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga Sanitary Inspector na bumisita sa mga evacuation centers upang mabigyan ng tamang impormasyon ang mga evacuees upang mapanatiling malinis at ligtas sa ano mang sakit na posibleng dumapo sa kanila habang sila ay tumutuloy sa mga evacuation areas sa Probinsya.
Nais namang mabigyan ni Governor Danilo E. Suarez ng hanapbuhay ang mga kababayan nating apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Taal, kung kaya personal siyang nakikipagusap sa isang kompanya sa Lalawigan upang pansamantalang mabigyan ng trabagho ang mga evacuees na nasa pangangalaga ng ating Probinsya.
Kaugnay nito ay inatasan naman ni Governor Suarez ang tanggapan ng Provincial Agriculture na gumawa ng plano upang matulungan ang mga evacuees na makapagtanim ng mga gulay na maaring pagkunan ng suplay ng pagkain habang sila ay tumutuloy sa mga evacuation site sa Lalawigan ng Quezon.
Samantala, labis naman ang pasasalamat ng mga kababayan natin mula sa Probinsya ng Batangas sa mga tulong, pagtugon at serbisyo ng Lalawigan ng Quezon sa kanilang mga pangangailangan sa kabila ng kanilang mga pangamba sa kanilang mga ari-ariang naiwan sa kanilang mga lugar.
No comments