By Ruel Orinday February 15, 2020 GUMACA, Quezon - Mahigit sa 500 pasyente na residente sa bayang ito at kalapit na mga bayan ang nakina...
February 15, 2020
GUMACA, Quezon - Mahigit sa 500 pasyente na residente sa bayang ito at kalapit na mga bayan ang nakinabang sa medical at surgical mission na isinagawa kamakailan ng pamahalaang panlalawigan ng Quezon at ng tanggapan ni Rep. Aleta Suarez.
Ayon sa Quezon Public Information Office, ang mga pasyente ay sumailalim muna sa konsultasyon at ang ilang pasyente naman ay inoperahan dahil sa thyroid, myoma, luslos, bato sa apdo at tonsillitis.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Maliban dito, may 1,000 pasyente ang nakinabang naman sa libreng dental check-up at bunot ng mga sirang ngipin.
"Pangalawang beses na namin itong naisagawa sa tulong ng mga Filipino American doctors at nurses na nakabase sa bansa," sabi ni medical mission coordinator Ernie Rosas.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga pasyente na sumailalim sa operasyon at libreng konsulta. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

No comments