Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

60 pamilya nailipat sa interim evacuation sa Ibaan

By Mamerta De Castro February 1, 2020 Magsisilbing interim evacuation center para sa mga evacuees mula sa Volcano Island ang Batangas ...

By Mamerta De Castro
February 1, 2020

Magsisilbing interim evacuation center para sa mga evacuees mula sa Volcano Island ang Batangas Provincial Rehabilitation Center sa Brgy. Malainin sa bayan ng Ibaan. (MDC/PIA-Batangas)

IBAAN, Batangas - May 60 pamilya o mahigit 200 katao ang nailipat na sa interim evacuation sa bayang ito.

Ayon kay Adelia Macaraig ng Provincial Social Welfare and Development Office, ang mga pamilyang inilipat dito ay mula sa Brgy. Alas-as sa bayan ng San Nicolas at dating nanunuluyan sa Bauan Technical School.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




"Isinasaayos lamang namin ang mga rooms kung saan ililipat sila para mas komportable ang kanilang pagtigil kaya't pansamatala ay dito muna sa activity area sila tumitigil. May kuryente, tubig, banyo at community kitchen na dito kaya't masasabi nating maayos ang kalagayan nila dito," ani Macaraig.

Sa panayam kay Lilia Aquino, residente ng Brgy. Alas-as at isa sa mga evacuees, mahirap ang kanilang katatayuan ngunit wala silang pupuntahan dahil idineklara ng permanent lockdown ang kanilang lugar.

Aniya, gusto niyang magkaroon sila ng sariling bahay at hanapbuhay dahil wala na silang maaaring pagkitaan na kalimitang ginagawa nila sa isla noong hindi pa sumasabog ang bulkan.

"Lahat po ng aking mga anak ay andito din. Wala kaming pupuntahan dahil lahat kami sa isla nakatira at nasira na po ang aming bahay at kabuhayan doon, kaya sana mabigyan kami ng pamahalaan ng sariling bahay at pagkikitaan," dagdag pa nito. (Bhaby P.De Castro-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.