Editorial February 8, 2020 Nang mamaalam ang 2019 pagkalipas ng kapaskuhan, marami ang medyo nakahinga nang maluwag. Bukod sa nata...
February 8, 2020
Nang mamaalam ang 2019 pagkalipas ng kapaskuhan, marami ang medyo nakahinga nang maluwag. Bukod sa natapos na ang mga kagastusan, huhupa na rin ang tag-ulan; wala nang bibisitang bagyo at hindi na babahain ang maraming lugar sa bansa.
Bagaman at ayon sa PAGASA ay nananatili pa ang malamig na panahon hanggang pebrero at maaaring hanggang sa unang linggo ng Marso, matitigil na ang mga pag-ulan at bagyo. Subalit sa unang linggo pa lamang ng Enero 2020 ay sunod-suond pa rin ang bumibisitang bagyo. Panay-panay ang pag-ulan at higit sa lahat, may dumating na matitinding kalamidad.
Pumutok o sumabog ang Taal na ang napuruhan ay ang lalawigan ng Batangas at iba pang lugar sa CALABARZON. Grabe ang pinsalang idinulot. Hindi pa nga nakakabangon, may kumakalat naman ngayong deadly virus, ang nCoV. Grabe ang idinudulot ng pinsala ng mga ito. Maraming nawalan ng bahay at ari-arian, maraming mga namamatay at nagdudulot ng labis na takot sa mga tao.
Bagaman at nakabalik na sa normalidad ang sitwasyon dahil sa humupa na at tahimik na ang Taal, nakakahindik ang mga dinanas at pinagdaanan ng mga naapektuhang biktima. Bagaman at bumuhos ang tulong at suporta mula sa iba’t-ibang sector at lugar, mahihirapan pa ring maisagawa nang mabilisan ang rehabilitasyon. Sa katunayan, may mga lumikas mula sa bayang labis na nasalanta ang ngayon ay nananatili pa sa evacuation centers. Nakakalungkot. Bukod dito, marami ring lugar na baha pa kahit walang ulan. SUMMER NA, GRABE ANG INIT KAPAG MAINIT, SUBALIT KAPAG UMULAN, BAGYO NAMAN. ANYARE?
TAG-INIT NA DAPAT, pero ang bagyo, gustong-gusto magtungo dito sa Pilipinas para manalasa. Marami na ang nag-iisip na tila raw nagiging abnormal na yata ang panahon sa Pilipinas. Dalawang klase lang ang panahon sa bansa, tag-ulan at tag-init, pero parang ayaw nang umalis ang tag-ulan. Baka raw malapit na ang GUNAW ng mundo? Sana, pagnilayan natin ang kaganapang ito. Bakit nga kaya?
Siguro dapat huwag nating pakialaman ang kalikasan; mahalin at alagaan natin ang ating kapaligiran.
No comments