Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Anim na barangay sa Agoncillo at Laurel, nananatiling naka-lockdown

By Mamerta P. De Castro February 1, 2020 BATANGAS CITY  – Bagaman ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phiv...

By Mamerta P. De Castro
February 1, 2020

BATANGAS CITY  – Bagaman ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status ng Taal Volcano sa alert level 3 mula 4 ay nananatili pa ring naka-lockdown ang ilang mga barangay sa Agoncillo at Laurel na sakop ng 7-kilometer danger zone.

Kabilang sa mga barangay na ito ay ang Bilibinwang, Banyaga at Subic Ilaya sa Agoncillo; Gulod, Buso-Buso at Bugaan East sa bayan ng Laurel.

Nananatili namang naka-permanent lockdown ang Volcano Island na kinakabilangan ng Sitio Tabla at San Isidro sa bayan ng Talisay, Brgy. Calawit sa Balete, at Brgy. Alas-as at Pulang Bato sa San Nicolas dahil ito ay nasa loob ng permanent danger zone.

Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, pinayagan nito ang mga residente ng Agoncillo at Laurel na nagnanais bumalik sa kanilang mga lugar maliban sa anim na barangay sa dalawang bayan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Matapos ibaba ng Phivolcs ang alert level ng bulkan mula sa alert level 4 patungong alert Llvel 3, pinayagan natin ang mga residente mula sa mga bayan ng Alitagtag, Balete, Cuenca, Lemery, Malvar, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal, Talisay, Lipa City at Tanauan City na magkaroon ng opsyon na bumalik sa kanilang mga tahanan," ani Mandanas.

Sa kabila ng pagpayag ni Mandanas ay pinaalalahahanan nito ang mga residente na maging alerto dahil hindi pa rin tumitigil ang aktibidad ng bulkan at hindi pa nawawala ang banta ng mapanganib na ng pagsabog nito.

Dagdag pa ni Mandanas, ang pagpayag na bumalik sa kanilang mga tahanan ay hindi nangangahulugan ng pagpapaalis sa mga residente sa mga evacuation centers na kanilang tinutuluyan.

“Hindi natin iniuutos na sila ay bumalik binigyan lamang natin ng opsyon at hindi natin sila pinapaalis sa mga evacuation center. Ang gusto natin ay pag-aralan, suriin at isipin nila kung nais na nilang bumalik sa kanilang mga bahay dahil nandun pa din ang posibilidad ng pagsabog,” ani Mandanas.

Kaugnay nito, may ilang mga pamilya na ang nagdesisyong umalis sa evacuation centers tulad ng Dreamzone na may naitalang 146 pamilya at ngayon ay may 40 pamilya na ang nagsibalik sa kanilang mga bahay sa Taal, Lemery, Agoncillo at Sta. Teresita. (PIA BATANGAS)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.