Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Araw ng mga puso

Editorial February 15, 2020 Natapos na ang Araw ng mga Puso, Pebrero 14. Araw ng mga puso, Buwan ng Pag-ibig. Saint Valentine's Day...

Editorial
February 15, 2020



Natapos na ang Araw ng mga Puso, Pebrero 14. Araw ng mga puso, Buwan ng Pag-ibig. Saint Valentine's Day.

Araw ng mga puso, kuskusan ng mga nguso! Sabi ng mga millenials.

Para sa mga mag-aasawa, mga magkasintahan o magsing-irog, ang araw na ito ay ipinagdiriwang nila sa pamamgitan ng pag-aalala sa isa't isa, pagbibigayan ng bulaklak, tsokoleyt, at kung anu-ano pa na sumasagisag sa pagmamahal.

Naglalaan sila ng panahon para makasama ang bawa't isa sa buong araw at nagde-date pa nga o namamasayal sa magagandang lugar.

Magandang tradisyon iyan. Subalit dapat ding isipin na ang pag-ibig o pagmamahal ay hindi lamang para sa mag-aasawa o magkasintahan kundi para rin sa buong pamilya, sa mga magkakaibigan, at para sa lahat.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Maraming paraan kung paano maipadama ang pagmamahal at malasakit sa kapuwa, at sana, gawin ito hindi lamang tuwing Love Month o Valentine's Day o Araw ng mga Puso, kundi sa lahat ng araw.

Lalo't higit sa panahon ng kalamidad o kagipitan. Tulad ngayon, ang mga Batangueño ay nagsisimula pa lamang bumangon sa pinsalang hatid ng Bulkang Taal, ay heto na naman at panibagong banta, ang COVID-19 virus.

Hindi na malaman kung paano pa ito haharapin at lalabanan. Siguro, bahala na lang ang Diyos.

At sabi nga nila, ipagdiwang ang Araw ng mga Puso nang may pag-ibig at pagmamahal sa bawa't isa na ang nasa gitna ay ang Diyos. At bukas, bahala na. May bukas pa.

"May bukas pa sa ating buhay... Ang iyong pagdaramdam, idalangin mo sa Maykapal, na sa puso mo, ay mawala nang lubusan."

HAPPY VALENTINE'S DAY sa ating lahat.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.