Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bapor pinasabugan sa masbate, extortion sa shipping lines nabulgar

By Lyndon Gonzales February 15, 2020 M/V Virgen Peñafrancia VI. (Photo by Gemi Formaran) LUCENA CITY - Pinasabugan ng isang im...

By Lyndon Gonzales
February 15, 2020

M/V Virgen Peñafrancia VI. (Photo by Gemi Formaran)



LUCENA CITY - Pinasabugan ng isang improvised explosive device o dinamita ng di pa kilalang mga armadong lalaki ang pampasaherong bapor na M/V Virgen de Penafrancia VI sa pier ng San Pascual, Masbate noong Martes ng umaga.

Sa isang report na mula kay San Pascual police commander Police Captain King Ashvin Capurcos, napag-alamang ang pag-atake ay naganap noong 3:32 ng umaga ng Martes, Pebrero 11, 2020.

Walang nasaktan sa pagpapasabog dahil sa wala pang sakay na pasahero ang bapor ngunit nasira ang life ring nito, pati na ang malaking condenser ng air-conditioning system.

Ang San Pascual ay isang liblib at maliit na bayan sa Burias Island ng Masbate. Sinabi ni Captain Capurcos na sila at ang Regional Mobile Force Battalion 5 ay agad nagsagawa ng pursuit operations sa mga umatake sa barangay Busing at Iniwaran na siyang direksiyong tinungo ng mga kriminal sa pagtakas.

Samantala, ipinahayag sa media dito sa Lucena City ni Mrs. Merian Reyes, may-ari at operator ng nasabing roll-on, roll-off (RORO) vessel na pinasabugan, na naniniwala siyang ang pag-atake ay bunga ng kanyang pagtanggi na pagbigay ng lagay sa isang taga-munisipyo o tauhan ni Mayor Maxim Lazaro ng San Pascual, Masbate.

Ayon kay Mrs. Reyes, noong Enero 29, 2020 ay pumunta sa kanilang upisina ang isang nagpakilalang Lito Miranda na umano'y messenger ni Mayor Maxim Lazaro at humingi ito ng lagay para sa pagsisimula ng biyahe ng bapor sa kanilang bayan.

Star Horse Shipping Line owner Merian Reyes sa isang interview
tungkol sa M/V Virgen Peñafrancia VI. (Photo by Gemi Formaran)


Ipinakita ni Mrs. Reyes sa media ang kopya ng CCTV footage nang magtungo si Miranda sa upisina ng Star Horse Shipping Lines sa Lucena at pati na ang mga text messages nito na humihingi ng lagay sa Star Horse operations manager Nodelon Noblezala.

Nang tanungin ni Noblezala si Mayor Lazaro kung totoo na pinadala niya si Lito Miranda, ganito ang reply ng alkalde: "Oo tao ko yan, part ng legal team. Oo at hirap makausap ang boss nyo, legal team ko na lang ang inutusan ko."

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon kay Noblezala, ipinanukala sa kanya ni Miranda na itaas ang singil sa pamasahe mula P220 hanggang P250 o kaya ay P270 upang makaipon ang Star Horse ng pambayad sa protection racket ng alkalde.

Ipinaliwanag ni Mrs. Reyes na ang rutang San Pascual, Masbate to Pasacao, Camarines Sur ay isang "missionary route" at lugi pa nga ang Star Horse dito dahil public service lamang ito sa umpisa upang magkaroon ng magandang transportasyon ang mga taga-isla ng Burias.

Humihingi si Mrs. Reyes ng tulong kina PNP chief General Archie Gamboa, DOTr Secretary Arthur Tugade at President Rodrigo Roa Duterte upang matugunan ang extortion at iba pang problema ng mga negosyanteng namumuhunan sa malayo at mahirap na lugar.

Lucena City, Quezon Inihayag naman ni Merian Reyes , may ari at operator ng Star Horse Shipping Lines (SHSL) na may opisina sa Lucena City , naniniwala siya na may nagsabotahe ay dahilan ng pagtanggi ng pagbibigay ng suhol sa isang taga munisipyo ng San Pascual, Masbate.



Anim na di-pa tukoy na kalalakihan ang naghagis ng pampasabog sa isang barko sa bayan ng San Pascual, sa lalawigan ng Masbate.

Sinabi ni Maj. Maria Luisa Calubaquib, spokesperson ng Bicol Police, na batay sa inisyal na ulat ay nakadaong sa San Pascual port ang MV Penafrancia 6 ng Star Horse Shipping Line Inc nang hagisan ito ng explosive na may layong 25-metro mula sa barko.

Ang pagsabog ay nakapagdulot ng pagsira sa kagamitan at airconditioning unit ng barko.

Tumakas naman ang mga suspek sakay ng motor boat.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.