By Mamerta P. De Castro February 8, 2020 LUNGSOD NG BATANGAS - Nananatiling wala pang kaso ng 2019 novel Coronavirus (nCoV) sa lalawig...
February 8, 2020
LUNGSOD NG BATANGAS - Nananatiling wala pang kaso ng 2019 novel Coronavirus (nCoV) sa lalawigan ng Batangas. Sa isinagawang pagpupulong sa paghahanda at pagtugon sa banda ng naturang sakit, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Rozvilinda Ozaeta na nananatiling nCoV-free ang lalawigan bagamat sinabi nito na may 10 katao ang kasalukuyang under investigation kaugnay nito.
“Wala po tayong confirmed case ng 2019 novel Coronavirus ngunit mayroon po tayong 10 persons under investigation kaugnay ng nasabing sakit. Ang iba po dito ay mga Filipino na OFWs na nag-lay over sa China o Hong Kong at ang iba ay nagbabakasyon lang. Hindi po kami ang nagdedesisyon kung ang mgataong ito ay iimbestigahan o imomonitor kaugnay ng nCoV dahil gumagamit po tayo ng decision tools na siyang sinusunod”, ani Ozaeta.
Ipinaliwanag nito na batay sa decision tools,may mga paraan upang mai-kategorya ang mga pasyente bilang persons under investigation (PUI) o persons under monitoring(PUM). Kapag PUM ang isang tao ay walang anumang sintomas na ipinapakita ngunit may exposure sa mga taong maysakit nito samantalang ang PUI ay may travel history at nakitaan ng lagnat,ubo at iba pang sintomas bagamat ito ay iba-iba ang ipinapakitang manifestations.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Sinabi pa ni Ozaeta na layon nilang mapaganda ang koordinasyon at referral sa pagitan ng mga regional health units, district at private hospitals.
Samantala, ibinahagi ni Jeanette Atienza mula sa DOH ang Risk Communication Plan para sa 2019-nCoV kung saan binigyang-diin nito na sa kabila ng pagkalat ng naturang virus kung saan maraming mga bansa ang apektado dapat ay manatili ang kumpiyansa ng tao sa kanilang tanggapan at huwag maniwala sa mga kumakalat na fake news kaugnay ng naturang virus.
“Bilang national health authority, ang DOH ang makakapagbigay ng mas mabilis,tama at totoong impormasyon na makakapagsalba sa lahat kaugnay ng isang sakit. Isa sa iniingatan natin ay ang pagkalat ng fake news na mas mabilis pang kumalat kaysa sa 2019 nCoV lalo na kapag ito ay nababasa sa social media,” ani Atienza.
Sinabi pa nito na dapat ay maging responsible din ang lahat na huwag basta mag-share ng impormasyon kung hindi naman sigurado sa sources o pinagmulan ng balita. Kinakailangan ding i-verify ang isang impormasyon bago ito ipakalat sa publiko.
Samantala, nagpalabas naman ng Executive Order No. 2HIM-03 series of 2020 ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas na nakasaad ang mga kailangang gawin at pag-isolate sa mga persons under investigation gayundin ang mga preventive measures na kailangang bigyang-pansin upang maiwasan ito. Inatasan din nito ang pamunuan ng Provincial Health Office upang magbalangkas sa loob ng 48 oras ng isang Comprehensive Action Plan upang maiwasan ang pagkalat ng virus sa lalawigan. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments