Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Batangas PHO, nagbabala vs 2019-nCOV virus

By Lolitz Estrellado February 8, 2020 Provincial Health Officer (PHO) Dr. Rosevilinda Ozaeta BATANGAS CITY - Nagbigay ng mahigpit na...

By Lolitz Estrellado
February 8, 2020

Mga resulta ng larawan para sa batangas pho
Provincial Health Officer (PHO) Dr. Rosevilinda Ozaeta

BATANGAS CITY - Nagbigay ng mahigpit na  babala sa mga Batangueño si Provincial Health Officer (PHO) Dr. Rosevilinda Ozaeta laban sa mabilis na kumakalat na deadly virus, ang 2019-nCoV.

Ayon sa masipag at mabait na PHO ng Batangas, dapat na mag-ingat ang lahat at sumunod sa mga babala, paalala at payo ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno deadly virus.

"Meron po tayong nais iparating sa ating mga kababayan. Some everyday preventive actions to help prevent the spread of respiratory viruses tulad nga po ng 2019-nCoV. Tandaan po natin na kung magiging maingat tayo, maaaring makaiwas sa anumang sakit, hindi lamang dito sa nCoV.", pahayag ni Ozaeta.

Ayon pa sa kanya, tandaan po lamang natin ang WUHAN.
1. Wash your hands.
2. Use mask properly
3. Have your temperature checked regularly.
4. Avoid large crowds.
5. Never touch your face with unclean hands and no beso-beso

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Binibigyang-diin pa ni Ozaeta na hindi lamang naman ang deadly virus na 2019-nCoV ang dapat na iwasan, kundi maging ang iba pang uri ng sakit.

Sa kabilang dako, ang Department of Trade (DTI) naman  ay nagpahayag na sa kasalukuyan ay mahigpit nilang binabantayan ang supply at presyon ng face mask sa presyong sakop ng itinatakda ng Department of Health.

Ayon kay DTI Batangas provincial director Desiderio Jurado, hindi dapat mataas sa presyon ng mask at nanatili itong "within prescribed price range" na P1-P8 bawat piraso, subalit marami na umano silang matatanggap na ulat at reklamo na halos triple (3x) na ang itinaas ng presyon nito.

"Sa atin pong mga consumers, hinihikayat po namin kayo na ireport o ipagbigay-alam sa amin ang overpricing na ginagawa ng mga mapagsamantalang negosyante sa face mask. Maaari po kayong tumawag sa 1-384 o ipadala sa email sa consumercre@dti.gov.ph. Sa ganitong paraan, magawan natin iyan ng karampatang aksyon.", dagdag na pahayag pa ni Jurado.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.