by Nep Castillo, saktoNEWS February 15, 2020 Binuksan na ni Cainta Mayor Kit Nieto ang transport terminal sa Parola para sa libu-l...
February 15, 2020
CAINTA, Rizal - BINUKSAN kamakailan ni Cainta Mayor Johnielle Keith “Kit” Pasion Nieto ang tinaguriang pinakamoderno at kauna-unahang transport terminal sa lalawigan ng Rizal.
Layunin ng proyektong ito na mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Cainta lalo na’t patuloy na dumadami ang mga sasakyan sa papaunlad na bayan.
Pinaniniwalaang hindi lamang ito maghahatid ng ginhawa sa mga nasasakupan ng alkalde kundi gayun din sa mga karatid na bayan ng Taytay at lungsod ng Pasig sa Metro Manila.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Inaasahan din ni Nieto na magkaroon ng kaayusan at disiplina sa hanay ng mga drayber at opereytor dahil isa ito sa nakapagpapalala ng daloy ng trapiko, ang walang habas na paghinto para magbaba at magsakay ng mga pasahero sa kahabaan ng kalsada.
Maliban sa dan-daang tricycle at mga jeepney, ang nasabing terminal ay maglalaan din espasyo para sa mga UV Express na bumibiyahe patungong Ayala at EDSA.
Ang nasabing terminal na pinasinayaan ni Nieto noong nakaraang buwan ay matatagpuan sa Parola sa Barangay San Roque at inaasahang libu-libong makakanay ang makikinabang araw-araw.
Binuksan na ni Cainta Mayor Kit Nieto ang transport terminal sa Parola para sa
libu-libong mananakay (photo: cainta/pio)
|

No comments