By Lolitz Estrellado Febaruary 15, 2020 Batangas city – Ang Department of Health (DOH) – CALABARZON Regional Office ay nagpahayag na may me...
Febaruary 15, 2020
Batangas city – Ang Department of Health (DOH) – CALABARZON Regional Office ay nagpahayag na may medical facilities sa rehiyon na nakahanda para sa mga taong maaaring magkaroon ng Covid-19 infection.
Sa isang press interview, binigyang-diin ni CALABARZON DOH Regional Director EDUARDO JANAIRO na nakahanda sila para magamot ang sinumang maaaring maging infected ng nasabing virus. “We have to protect more than 15 million people in the region, including college and universities with foreign students from countries where there are confirmed Covid-19 cases,” pahayag ni Janairo.
Ipinaliwanag pa ni Janairo na bagaman at wala pa namang kaso ng Covid-19 sa rehiyon na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (CALABARZON), minabuti na rin umano ng kagawaran na maging handa upang hindi na lumala pa ang problema sakaling magkaroon dito ng nasabing epidemya. Pinaalalahanan din ng masipag na director ang publiko na maging maingat sa lahat ng oras, maging malinis sa buong katawan, kumain ng masustansyang pagkain tulad ng gulay at prutas, at magsuot ng face mask kung lalabas ng bahay at magtutungo sa mataong lugar.
Idinagdag pa ni Janairo na kung maiiwasan at hindi naman talagang kailangan, huwag na munang lumabas ng bahay. Ayon pa sa kanya, mas mabuti na ang maging maingat at laging handa, hindi lamang kontra nCoV, kundi maging sa iba pang uri ng sakit. Ang nCoV ayon sa World Health Organization (WHO) at DOH, ay hindi airborne, subalit matindi ang panganib na kaakibat nito.

No comments