Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

DENR: Sanitary landfills, kailangan ng mga LGUs

By Lolitz Estrellado February 8, 2020 Benny Antiporda LIPA CITY - "More engineered sanitary landfills must be built to address...

By Lolitz Estrellado
February 8, 2020

Benny Antiporda


LIPA CITY - "More engineered sanitary landfills must be built to address the growing problem on solid waste management in the country."

Ito ang sinabi ni Benny Antiporda, undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns ng Department of Environment and Natural Resources, sa isang interview kamakailan.

Ayon kay Antiporda, umaasa ang DENR na makapagpatayo na ng mas maraming sanitary landfills sa buong bansa bago sumapit ang taong 2022.

Ipinaliwanag ni Antiporda na ang sanitary landfill ay siyang pangunahing pangmatagalang paraan ng solid waste disposal na pinapayagan sa ilalim ng Republic Act 9003 o ang tinatawag na Ecological Solid Waste Management Act of 2000.

Sa ilalim ng naturang batas, isang requirement sa mga Local Government Units (LGUs) ang pagkakaroon ng sanitary landfill bilang isang paraan ng ligtas na pagtatapon ng basura o solid waste o resource recovery residuals.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Subalit makalipas ang mga 20 taon simula nang mapagtibay ang RA 9003, iilan pa lamang ang sanitary landfills sa bansa.

"Kailangan natin ang 1,700 na sanitary landfills para sa lahat ng mga bayan at lunsod, subalit nakakalungkot na sa kasalukuyan ay mayroon lamang tayo 108. Napupuno ang ating mga sanitary landfills, at dahil dito, ang iba pong LGUs ay baka bumalik sa open dumpsite na ipagbabawal ng RA 9003," dagdag na paliwanag pa ni Antiporda.

Sinisuguro rin nito na sa ilalim ng pamumuno ni DENR Secreatary Roy Cimatu, sisikapin ng gobyerno na makapagpagawa na ng mas maraming landfills.

Karamihan sa mga LGUs ay hindi umano makapagpatayo ng sanitary landfills dahilan sa nangangailangan ito ng napakalaking halaga at may pag-kumplikado pa.

Kaya naman upang matulungan, inatasan na umano ni Sec. Cimatu si USec. Antiporda na i-review o pag-aralang muli ang Implementing Rules and Regulations (IRR) of RA 9003 o DENR Administrative Order 2001-34.

Ang sanitary landfill ay isang solid waste management facility na gumagamit ng isang engineered method o waste desposal, pangunahin para sa solid waste ng isang bayan.

"Kapag sinabing engineered method of landfilling, ito ay nangangahulugang ang basura ay itinatapon sa isang pasilidad na dinisenyo (designed), itinayo (constructed), at ino-operate sa isang pamamaraang nangangalaga at nagbibigay ng proteksyon sa kalusugan ng mga tao at sa kapaligiran," paliwanag pa ni Antiporda.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.