By Mamerta De Castro February 15, 2020 Evacuation centers in Batangas. (Photo by UNTV) BAUAN, Batangas - Isinasaayos na ng lokal na...
February 15, 2020
BAUAN, Batangas - Isinasaayos na ng lokal na pamahalaan ang 3.5 ektaryang lupain na maaaring gawing tent city o evacuation site sa bayang ito.
Sinabi ni Mayor Ryan Dolor na ang naturang lupain na binili ng lokal na pamahalaan ay nakatakdang itayo ang extension ng Bauan Technical High School sa isang ektarya at ang natitirang 2.5 ektarya ang ide-develop bilang evacuation site.
Bilang panimula, 10 tents ang ipinagkaloob ng Fiberhome Network, isang Wuhan-based company na kilala bilang network and telecommunication provider sa China.
Ayon kay Suzette de Claro, Senior Account Manager ng Fiberhome Networks, sa ngayon ay 10 tent muna ang kanilang naipagkaloob at madaragdagan kapag inaprobahan ng kanilang top management.
“Bawat tent ay kayang maglaman ng lima hanggang anim na miyembro ng pamilya. Medyo maliit pero pinaplano ng aming kumpanya na maglagay ng mas malalaking tent para sa malalaking pamilya. Hindi namin maipapangako na kaya naming punuin ang buong 2.5 ektaryang lupain pero siguro ung isang block nito ay magagawan ng paraan na malagyan,” ani de Claro.
Bagamat isa sa kinakaharap na suliranin sa bansa ang pagkalat ng 2019 novel Coronavirus, siniguro ng mga opisyal ng Fiberhome na walang dahilan upang mabahala sa kanila dahil matagal na silang nasa Pilipinas at maging ang kanilang mga pamilya.
Samantala, sinabi naman ni 2nd District Congressman Raneo Abu na nakikipag-ugnayan na ang kanyang tanggapan sa mga port operators at logistics companies para sa posibleng donasyon ng mga gamit o recyclable container vans na sa kalaunan ay maaaring gawing temporary homes ng mga evacuees.
Binigyang-diin naman ni Mayor Dolor na nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng P5M mula sa Office of the President na personal na iniabot ni Executive Secretary Salvador Medialdea; P1M mula sa Provincial Government of Bukidnon at P500K mula sa Pasig City at ito ay nakatakdang gamitin upang i-develop ang evacuation site. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)
Evacuation centers in Batangas. (Photo by UNTV) |

No comments