Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Fix the fixers

Editorial February 22, 2020 Kahit marahil saang sangay ng gobyerno, pribadong tanggapan o pampublikong institusyon ay hindi nawawalan ni...

Editorial
February 22, 2020




Fix the fixers



Kahit marahil saang sangay ng gobyerno, pribadong tanggapan o pampublikong institusyon ay hindi nawawalan nitong tinatawag na fixers. Ano ba ang fixers? Hindi ano, kundi sino. Sila ay mga taong tagalakad, tagaayos ng papeles o dokumento ng ibang tao, kapalit ng napagkasunduang halaga. Kumbaga, serbisyong may bayad.

Ayon sa mga mapagmasid, ang mga fixers na ito ay makikitang nakatambay sa paligid-ligid lamang ng isang tanggapan, tulad halimbawa ng LTO, LTFRB, DFA, NSO, BIR at iba pa. Diumano, ang mga ito ay nag-aabang ng mabibiktima, o maloloko na ipagkatiwala sa kanila ang anumang nilalakad, may bayad syempre. Sa aminin natin at sa hindi, isang naghuhumindig na katotohanan na karamihan sa mga pinoy ay ayaw mahirapan, masyadong mainipin, ayaw ng maghintay at ayaw nang paroo’t parito sa mga seksyon ng isang tanggapan kapag may inaayos na transaksyon.



Ganoon din naman, may mga tao ring “one-time-big-time” ang gustong paraan ng pagkita ng pera. KAYA MAYROON TALAGANG FIXERS at may naiingganyo silang “kliyente.” Ang gobyerno ay matagal nang panahong nagpupursigi ng kampanya laban sa mga fixers. Panay ang paalala sa publiko na huwag umasa sa mga fixers, sa halip ay sa lehitimong empleyado lamang ng tanggapan. Subalit anuman ang gawin ng gobyerno, bakit hindi mawala ang mga fixers na diumano’y namimilit na ng mga tao na sa kanila na lang ipalakad ang transaksyon, tulad halimbawa ng pagpaparehistro ng sasakyan?

SAPAGKAT PATULOY NA MAY MGA TAONG NAGPAPALOKO SA KANILA. SAPAGKAT MAY MGA TAONG TAMAD AT WALANG TIYAGA, PERO MARAMING PERANG PAMBAYAD SA FIXERS. May mga nagrereklamo at sinisisi ang mga hepe ng tanggapan ng gobyerno dahil diumano’y pinapayagan o kinukunsinti ang mga fixers. Unfair naman na sa kanila isisi ang pagkalat ng mga fixers. Una, hindi nila kontrolado kung ang fixers ay sa labas na ng kanilang tanggapan at dito nakikipagtransaksyon ang publiko.



Pangalawa, paano nga ba nila maibubukod ang fixer sa hindi fixer? Pangatlo, dapat bang hulihin, paalisin o itaboy sa paligid ng tanggapan o ng gusali o ng compound ang mga taong naririto na nakatambay, nakaupo o nakatayo at palakad-lakad sa lugar, dahil maaaring sila ay mga fixers? Itong mga nagrereklamo ukol sa mga fixers ang dapat unang tumulong para mawala ang mga salot na manlolokong ito. Hindi kasi sila makakapagsalita ukol dito kung walang fixer na lumapit sa kanila. So kilala nila ang mga ito.

Dapat ituro sa mga awtoridad at ireklamo ang lumalapit na fixer o nagtatangkang makipag-transaksyon sa kanila. At higit sa lahat, huwag makipag-usap sa sinumang lalapit na hindi naman kakilala. Kayo na mismo ang direktang mag-ayos ng inyong transaksyon, at lumapit sa lehitimong empleyado lamang ng tanggapan. TANDAAN: WALANG MANLOLOKO KUNG WALANG MAGPAPALOKO. Ayaw natin ng fixers, puwes, makipagtulungan tayo sa gobyerno para walisin ang mga salot na iyan. Let us help the government fix the fixers. Huwag basta magreklamo lamang, gawin din natin ang ating mga tungkulin bilang mabuting mamamayan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.