By Quezon – PIO February 29, 2020 Center (Gumaca Mayor Webster Letargo and Governor Danilo E. Suarez together with the beneficiary/...
February 29, 2020
Center (Gumaca Mayor Webster Letargo and Governor Danilo E. Suarez together with the beneficiary/graduates of fiber glass fabrication training in Gumaca, Quezon. )
|
QUEZON PROVINCE - Isinagawa nitong nakalipas na araw ang pamamahagi ng tinatawag na fiber boat at motor engine sa mga nagsipagtapos sa pagsasanay na ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na Sustainable Livelihood Program sa bayan ng Macalelon at Gumaca sa Lalawigan ng Quezon.
Kung saan ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng nasa higit 120 nagtapos mula sa bayan ng Macalelon at 60 na nagtapos mula sa bayan ng Gumaca sa training na ipinagkaloob ng DSWD na Skills Training Fiberglass Boat Fabrication.
Ayon sa naging pananalita ni G. Melantie C. Aceveda ang tumatayong Regional Program Coordinator na bukod sa mga nagsanay sa naturang training ay sila na rin mismo ang magsisilbing taga-pagsanay sa mga susunod na nais gumawa ng naturang fiber boat.
Sa naging mensahe naman ng Gobernador ng Lalawigan na si Hon. Danilo E. Suarez, bukod sa fiber boat na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ay kasama nito ang mga motor engine na tutulong upang mas maging magaan ang pangingisda ng mga kababayan natin sa bayan ng Macalelon at Gumaca.
Kasabay nito ang paalala ni Governor Suarez na umiwas sa mga iligal na gawain na kanyang mahigpit na ipinagbabawal. Gayon din ang update kaugnay sa usapin ng 2019 NcoV at African Swine Flu (ASF) dito sa ating Lalawigan.
Habang, isa rin sa ibinahagi ng ating Gobernador ang patuloy na pagpapaganda ng mga medical equipment sa Quezon Medical Center na magagamit n gating mga kababayan gaya ng CT Scan at Magnetic Resonance Imaging (MRI).
Gayon din ay binahagi ni Governor Suarez na ang health coupon na ipinagkakaloob sa mga Quezonian ay pinagpa-planuhan ng magamit na rin sa mga private hospitals and pharmacy sa ating Lalawigan.
Samantala, asahan pa ang mga patuloy na programang nakalaan para sa mga Quezonian saan mang panig ng ating Lalawigan.
No comments