by Tagkawayan Teleradyo Febaruary 15, 2020 TAGKAWAYAN, Quezon - Sa idinaos na “Araw ng mga Mangingisda” bahagi ng Kaway Festival 202...
Febaruary 15, 2020
TAGKAWAYAN, Quezon - Sa idinaos na “Araw ng mga Mangingisda” bahagi ng Kaway Festival 2020 personal hinarap ni Punong Alkalde Carlo Eleazar ang nasabing sektor na sa kauna-unahang pagkakataon ay binigyan ng hiwalay na araw sa nabanggit na pagdiriwang. Layunin nito na mabigyan ng “highlight” ang kahalagahan ng nasabing sektor at mabigyan ng mas mahabang oras ang mga aktibidad na handog sa kanila ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ng Tanggapan ng Pamabayang Agrikultor.
Sa kaniyang mensahe sinabi ni Mayor Eleazar na layunin ng kaniyang administrasyon sa tulong ni Vice-Mayor Danny Liwanag at Sangguniang Bayan na sa pamamagitan ng komprehensibong plano at sa tulong ng mga National Agencies sa pangunguna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na matulungan ang nasabing sektor na bigyan sila ng mga interbensyon na sadyang makatutulong sa kanilang hanap-buhay tulad na lamang ng mga kasalukuyang eksperemental na proyekto kasama ang mga grupo ng mga mangingisda sa mga coastal barangays na brackish water fish cages kung saan tinuturuan ng pag-aalaga ng mga de-kalidad na lamang dagat ang mga kababayan natin.
Sa pamamagitan ng mga programang inilalatag ng kaniyang liderato bagama’t gugugol aniya ng ilan pang panahon para makamtam ito, nakikita ni Mayor Eleazar na lubhang makatutulong ang mga ito upang unti-unti mai-angat ang kabuhayan ng mga tinaguriang “maliliit na mangingisda” na ayon kay Mayor Eleazar ay personal niyang ikinalulungkot sa dahilang kadikit ng mga taguring “maliliit na mangingisda” ay nagpapahiwatig na ang sektor na ito ay kabilang sa pinaka-mahihirap na mamamayan ng ating mga komunidad.
“Hindi po ito magiging madali, pero ang mahalaga ay mayroon tayong pangarap at unti-unti natin itong isasakatuparan”.
Kaya naman ayon pa kay Mayor Eleazar, patuloy silang kikilos upang makahanap ng mga kapamaraanan upang dagliang maisakatuparan ang mga long-term programs and projects para sa nabanggit na sektor at sa tulong ng iba’t-ibang stakeholders ay makamtam ang pangarap na balang araw wala nang tatawaging “maliliit na mangingisda” sa Bayan ng Tagkawayan.
No comments