Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kalipi, sumusuyod sa mga bayan ng Quezon para maghatid serbisyo

February 8, 2020 KALIPI – QUEZON President Atty. Joanna Suarez LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Patuloy sa sinasagawang pagsuyod sa mga...

February 8, 2020

83945786_284487675867556_8090125597042278400_n.jpg
KALIPI – QUEZON President Atty. Joanna Suarez


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Patuloy sa sinasagawang pagsuyod sa mga Bayan ng Lalawigan ng Quezon si (Kalipunan ng Liping Pilipina) KALIPI – QUEZON President Atty. Joanna Suarez sa pag-aabot ng serbisyo sa mga mamamayang Quezonian na siyang tumatayong kinatawan ng Ama ng Lalawigan.

Kung saan kanyang hatid ang mga tulong at programa para sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan kung kaya personal na nagtungo si KALIPI-Quezon President Atty. Suarez sa bayan ng Burdeos at Polillo upang magkaloob ng mga school supplies para sa mga magaaral at health coupon para sa mga residente ng nabanggit na lugar, kasabay rin nito ang pakikipagpulong sa mga miyembro ng Luntiang Katipunero para sa mga programang pang-agrikultura.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Habang hindi rin nagpa-awat ang kinatawan ng ating Gobernador na si Atty. Joanna Suarez na personal na nagtungo at sinuong ang malalakas na alon marating lamang ang mga bayan ng Jomalig at Patnanungan na ibinahagi ang mga Agricultural Inputs at mga binhing pananim para sa mga magsasaka, school supplies para sa mga mag-aaral at mga Health coupon para sa mga mamamayan ng naturang mga bayan.

Layon din ni KALIPI – Quezon President, na mapag-ibayo ang gulayan sa mga bakuran na siyang magiging pagkukunan ng mga masusustansyang pagkain na ihahain ng mga Nanay sa kanilang hapag-kainan.

Samantala, sadyang tuloy-tuloy sa paghahatid at pagbibigay ng mga programa at proyekto sa mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon ang Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) kasabay ng mga tulong mula sa Pamahalaang Panlalawigan. (Quezon - PIO)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.