Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kasalang bayan 2020 sa Malvar, tagumpay

By Lolitz Estrellado February 22, 2020 Kasalang Bayan 2020 sa Municipal Hall ng bayang ito  noong Biyernes, Pebrero 14 ganap na i...

By Lolitz Estrellado
February 22, 2020



Kasalang Bayan 2020 sa Municipal Hall ng bayang ito
 noong Biyernes, Pebrero 14 ganap na ika-10 ng umaga.


MALVAR, Batangas – Matagumpay na naidaos ang kasalang Bayan 2020 sa Municipal Hall ng bayang ito noong Biyernes, Pebrero 14 ganap na ika-10 ng umaga. Ang Kasalang Bayan 2020 ay isang programa ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Cristeta Cuevas Reyes at sa pamamahala naman ng Municipal Civil Registrar na si AMANDO L. TOSINO.

Umabot sa dalawampung (20) parehas ang binasbasan bilang mag-asawa sa nasabing Kasalang Bayan na solemnized by Mayor Cuevas-Reyes. Nagsimula ang programa sa pagpasok ng mga ikakasal at pag-awit ng Lupang Hinirang National Anthem at Malvar Hymn. Sinundan ito ng panalangin at spiritual message ni Pastor Rey Dela Cruz. Naging panauhin si CHARITO S. ARMONIA, Regional Director ng Philippine Statistics Authority (PSA) Region IV-A CALABARZON.

Pagkatapos ng seremonya, nagkaroon ng katuwaang contest ng longest kiss kung saan ang mga nanalong parehang Groom and Bride ay tumanggap ng cash prize na P3,000 para sa

unang gantimpala; P2,000 sa ikalawa; at P1,000 para sa ikatlo. Nagbigay ng closing remarks si Vice Mayor Louie M. Aranda sa pagtatapos ng programa, kung saan tumayong masters of ceremony sina Atty. Rey Villegas at Evangeline Adarlo.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Nagkaroon din ng masayang salo-salo pagkatapos ng kasalan na sa kagandahang loob ni Mayor Cuevas-Reyes na nagbigay-din ng mga regalo sa mga ikinasal. Sa isang panayam kay Mayor Cuevas-Reyes, nasabi niya na natutuwa siyang nagkaroon ng basbas ang pagsasama ng mga mag-asawa, na ang iba ay matagal nang nagpapamilya at may mga anak na.

Ayon pa sa mabait at magaling na lady mayor, naniniwala syang ang kasal ay nagbubuklod sa mag-asawa upang magkatulungan sa pagkakaroon ng pamilyang may matibay na pundasyon, may pagmamahalan, nagtutulungan at nasa gitna ng buhay ang Diyos. Ayon naman sa napakasipag at mabait na MCR ka Aman, ang kasal ay matatag na bigkis ng isang pamilya, at ang isang matatag na pamilya ay yaman at matibay na pundasyon ng isang maunlad na pamayanan.

Sinabi pa ni Ka Aman na ang Kasalang Bayan ay isang taunang programa ng PSA-MCR, kaagapay ang pamahalaang-bayan, at kasabay ng pagdiriwang ng Civil Registration Month tuwing buwan ng Pebrero. Ngayong 2020 ay ika-30 taon ng Civil Registration Month na ang tema ay “Shaping CRVS by Embracing New Trends in the 4th Industrial Revolution.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.