Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Kauna-unahang Chocolate Festival, ginanap sa lalawigan ng Quezon

By Quezon – PIO February 15, 2020 (From Left to Right) Ma. Leonillie Dimalaluan - Asst. Provincial Agriculturist,Florencio A. Flores ...

By Quezon – PIO
February 15, 2020

(From Left to Right) Ma. Leonillie Dimalaluan - Asst. Provincial Agriculturist,Florencio A. Flores -SICAP Quezon, Ernesto M. Ogayon, Provincial Agrarian Reform Program Officer I (PARPO I)- DAR, Engr. Russel Alegre - SM Lucena Asst. Mall Manager, Dennis Arpia, Regional Technical Director - Dept. of Agriculture IV-A, Jenny Suarez - Lopez, Chief of Staff of Governor Danilo Suarez, Leila Cabreros - OIC Dept. Trade and Industry -Quezon, Ms. Susan Palo - DTI Laguna, Boy Orgas - SICAP Quezon, Joselito R. Alcantara - Provincial Manager of Phil. Coconut Authority Quezon.


LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ginanap noong Pebrero 12, 2020, sa Lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang Chocolate Festival – I love Cacao na inorganisa ng Department of Trade and Industry (DTI), Provincial Government ng Quezon sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office, Provincial Tourism Office at ang Samahan sa Industriya ng Cacao na Pangkabuhayan ng Quezon (SICAP-Quezon) SM City Lucena.

Bilang bahagi ng pagbubukas ng naturang festival ibinida ito sa live coverage ng Unang Hirit mula sa GMA Network at dito ipinagmalaki ang Chocolate Festival - I love Cacao, kasabay ng isang street dance at drum and lyre band habang nilahukan naman ang nabanggit na aktibidad ng nasa dalwampo’t tatlong mga exhibitors mula sa Lalawigan ng Quezon, at ilan mula sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna at Batangas.

Ayon sa pambungad na pananalita ni Leila Cabreros, ang tumatayong Officer In-Charge ng DTi-Quezon layon ng naturang aktibidad na maging isang business matching and learning experience ito para sa mga traders and exhibitors lalo na at ito ang kauna-unahang chocolate festival sa Lalawigan ng Quezon.

Sa naging message of love naman ni Dennis Arpia, Technical Director for Operation ng Department of Agriculture, Region IV-A , aniya saan mang panig sa Lalawigan ng Quezon ay suitable upang pagtaniman ng cacao, kaya ang tunay na labanan ay nasa buhay ng mga farmer dahil matagal na umanong maliit ang nagiging hatiian ng mga farmer sa cacao industry at isang oportunidad ang gaya ng Chocolate Festival para makilala na mga locally made products mula sa cacao gaya ng chocolate na maaring makilala internationally.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Isa rin umano itong pagkakataon upang madagdagan ang hatian o kita ng mga magsasaka na matagal ng nagtatanim ng cacao lalo na ang samahan ng SICAP-Quezon na masipag at matiyagang ibinibigay ang kanilang panahon lalo na at taon ang bibilangin bago pa makita ang bunga ng kanilang mga tinanim partikular na ang cacao.

Sa mensahe naman ni Executive Assistant IV and Chief of Staff Jenny Suarez -Lopez, ang Chocolate Festival – I love Cacao ay isang aktibidad na kung saan ay ibinibida ang various locally produced chocolate ng Lalawigan kasama na ang iba’t-ibang produktong maaaring gawin mula sa cacao.

Dagdag pa ni EA Lopez, na nasa higit dalawang libong ektarya na ang plantasyon ng Cacao sa Lalawigan na isa rin sa mga programang prayoridad na pagtuunan ng pansin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamumuno ni Governor Danilo E. Suarez, ang Cacao Industry sa Lalawigan.

Samantala, inaasahan naman na magtatagal pa ang festival kasabay ng exhibit ng mga produktong mula sa cacao hanggang sa darating na Linggo, February 16, 2020. Hangad din na nawa ang festival na ito ay magbukas pa ng mas malawak at maraming oportunidad sa Cacao Industry sa Lalawigan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.