By Palakat Batangascity February 22, 2020 Pagkatapos ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Memorandum C...
By Palakat Batangascity
February 22, 2020Pagkatapos ipatupad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang Memorandum Circular (MC) No. 2019-121 noong July 29, 2019, na alisin ang lahat ng mga sagabal sa mga kalsada at sidewalks upang maging maayos ang daloy ng trapiko, ipinag-uutos naman ngayon sa mga local government units (LGUs) na magtayo ng isang impounding area para sa sasakyang hahatakin dahilan sa illegal parking.
Ayon sa MC No. 2020-031 ng DILG, ang mga LGUs ay kailangang ipatupad ang “mandatory establishment “ ng improunding area para sa safekeeping ng mga towed illegally parked vehicles, mga sasakyang naaksidente at iba pang may traffic violation offenses na may kaparusahang impoundment.
Kung mayroong ordinansa ang isang LGU, susundin ang nakapaloob ditong guidelines sa towing, impounding at releasing ng impounded vehicles at ang kaukulang penalties.
Sa ilalim ng Article XV-Clamping/Towing/Impounding Vehicles- ng Batangas City Traffic Ordinance of 2020, ang mga sasakyang illegally parked sa mga public roads at sidewalks ay ang sumusunod: hindi attended, driven o operated ng isang tao, nakakasagabal sa trapiko o daanan, naiwang nakaparada ng matagal o “indefinite period” kung saan ito ay nakakasagabal sa trapiko o nagiging panganib sa publiko, o kaya naman ay nakaparada sa mga lugar na may nakalagay na no parking, no loading and undloading at safety zones signs. Ang mga illegally parked vehicles na ito ay pwedeng immobilize gamit ang wheel clamp o tire lock o kaya ay i impound ng authorized traffic officers.
Ang mga lugar kung saan ipinagbabawal ang parking ay ang mga sumusunod. Within six meters ng any intersection o curbed lane, within four meters ng driveway/entrances sa fire stations, hospitals, clinics at kagayang establishments, within four meters ng fire hydrants, sa road side ng stopped o parked vehicle, sa crosswalks, sa harap ng anumang private driveway, sa tulay o maging sa harapan o malapit dito, sa national highways at sa anumang lugar kung saan may signs na ipinagbabawal ang pagparada dito.
Kabilang din sa mga hahatakin ang mga sasakyang napatigil dahilan sa mechanical o electrical trouble o yuong mga involved sa aksidente. Hahatakin din ang mga sasakyang nakaparada sa right-of-way sa harap ng repair shops habang pwede namang kanselahin ang business permit ng repair shop at patawan ito ng iba pang penalties.
Hindi exempted sa mga batas na ito ang armoured cars.
Ayon sa Section 95, ang mga illegally parked vehicles ay pwedeng i immobilize ng mga awtorisadong personnel ng Transportation Development and Regulatory Office (TDRO) sa pamamagitan ng paggamit ng wheel clamps o tire lock na ilalagay sa kanang gulong ng sasakyan at tamang paglalagay ng Notice of Immobilization sa driver side windshield ng sasakyan. Ang driver/owner/operator ng illegally parked vehicle ay binibigyan ng tatlong oras upang makapagbayad ng multa na P500 sa City Treausrer’s Office para sa release o removal ng wheel clamp o tire lock. Kapag hindi nakabayad sa loob ng tatlong oras, ang sasakyan ay ito tow at I iimpound.
Isang paglabag sa batas para sa isang hindi awtorisadong tao na alisin o mag attempt na alisin o sirain ang wheel clamp o tire lock at ito ay may kaparusahang multa na P1,000 o isang buwang pagkabilanggo o pareho depende sa discretion ng korte.
Ang city government of Batangas ay hindi responsable sa kahit anong damage sa sasakyan dahil sa movement o attempted movement ng sasakyan , na kagagawan ng driver/owner/operator habang nakakabit ang wheel clamp o tire lock provided na ang notice of immobilization ay “properly posted” ayon sa Sec. 95 ng ordinansa.
Sa sitwasyong walang available na wheel clamp o tire lock, ang illegally parked vehicle ay pwedeng hatakin at dalhin sa designated impounding area.
Ang towing fees ay nagkakahalaga ng P10,000 para sa container vans/trailers, lorries, P7,000 sa trucks na may timbang na 4,000 kg. o higit pa at P2,000 para sa mga cars, jeepneys, pickups Mayroon ding storage fee na P100 bawat araw bawat sasakyan.
Ang damages at losses sa towing at impounding ay responsibilidad ng towing officer/person in charge of towing.
Ang abandoned vehicle na hindi kini claim sa loob ng 30 araw ay ipagbibili sa public auction sa pinakamataas na bidder pagkatapos ng publication ng notice to sell sa newspaper of general circulation sa Batangas City at posting sa tatlong public places. Ang proceeds sa sale ay mapupunta sa Trust Fund ng lungsod. PIO Batangas City
No comments