February 15, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Aabot sa tinatayang mahigit na 500 mga miyembro ng lupong tagapamayapa sa iba’t-ibang barang...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Aabot sa tinatayang mahigit na 500 mga miyembro ng lupong tagapamayapa sa iba’t-ibang barangay sa lungsod ang tumanggap ng kanilang honorarium mula sa pamahalaang panlungsod.
Ginanap ang naturang aktibidad sa Punzalan Gymnasium na kung san ay naging panauhing pandangal dito ang panganay na anak ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala na si Mark Alcala.
Kasama ring dumalo nito si Executive Asistant IV Joe Colar at ang ilang mga tauhan ng City-DILIG na kung saan ay ibinigay sa mga ito ang para sa ikatlo at ika-apat na kwarter ng taon.
Sa maiksing programa at sa nagging pananalita ni Kuya Mark Alcala, kaniyang binati ang lahat ng mga dumalo sa nabanggit na okasyon.
Kaniya ring bingayang pagpupugay ang lahat ng mga ito dahilan sa kanilang ginagawang pagboboluntaryo at pagbibigay ng serbisyo para sa kanilang mga kabarangay.
Aniya, lubos niyang ikinararangal ang mga ito dahilan sa kanilang pagsasakripisyong ginagawa para lamang maging maayos ang mga nagiging alitan o problema ng kanilang mga kabarangay at hindi na umabot pa sa hukuman ang mga ito.
Binigyang pasasalamat rin nito ang mga barangay justices mula sa iba’t-ibang barangay sa Lucena dahilan sa ginagawang pagsuporta sa lahat ng mga programa at proyekto ng pamahalaang panlungsod.
Sa huli ay muling pinasalamatan ni Kuya Mark Alcala ang mga dumalo dito at inihayag ang buong pagsuporta sa lahat ng kanilang mga ginagaw para sa kanilang mga kabarangay.
Ang pagdalong ito ni Kuya Mark Alcala ay upang ipakita sa lahat ng mga lupong tagapamayapa sa lungsod ang kanilang lubos na pasasalamat sa kanilang pagsaakripisyo para sa ikatatahimik at ikaaayos ng kanilang nasasakupan.
No comments