By Lyndon Gonzales February 1, 2020 Tinanggap ni VP LNB Region IV-A CALABARZON LNB-Quezon Pres. Kap. Ireneo ”Boyong” Boongaling kasam...
February 1, 2020
Lucena City - Tumanggap ng parangal ang Brgy. Masalukot 1 ng Candelaria, Quezon ng Seal of Good Local Government (SGLG) ng Department of Interior and Local Government (DILG) nitong Enero 29, 2020 kasabay ng Christmas Party at Fellowship ng Association of Barangay Captain (ABC) sa Brgy. Domoit, Queen Margaret Court, Lucena City.
Batay sa anunsiyo ng DILG - Quezon Provincial Office, napabilang ang Brgy. Masalukot 1 ng Candelaria, Brgy. Baguio sa Tayabas City, Brgy. Daungan ng Mauban, Brgy. Sintorisan ng San Antonio Quezon, Brgy.Poblacion 3, Mulanay Quezon, sa mga barangay na pumasa sa pinakamataas na parangal ng ahensya. Ibinibigay ang ganitong parangal sa mga barangay na nagbigay ng positibong pagbabago sa komunidad batay sa mga programang pangreporma kasama ang mahusay na pamumuno at ang sama-samang pagganap ng mga kawani sa kanilang mga tungkulin.
Tinanggap ni Kap. Ireneo “Boyong” Boongaling ng Brgy. Masalukot Candelaria 1 at Pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Liga ng mga Barangay (PPLB) President, Liga ng mga Barangay (LNB) Quezon Chapter ang pagkilala.
“Walang puwang ang kabiguan sa oportunidad ng pagbabago at pagsisimula.” Ito ang binigyang diin ni Boongaling sa kaniyang mensahe sa PPLB.
“Bilang pangulo ng ating Liga, tayo ay pantay- pantay lamang na may hangaring mapabuti ang ating nasasakupan. Magkaisa at magsama-sama tayo upang maglingkod, mapaunlad at maisaayos ang ating komunidad. Ito na ang tamang panahon, upang mas maisaayos natin ang Peace and Order, Financial Administration at Disaster Preparedness at Pagtupad sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000,” wika ni Boongaling
Nagpasalamat din si Boongaling sa DILG Provincial Provincial Director Darrell Dizon sa suportang ibinibigay sa mga kapitan at LIGA ng Barangay.
Dumalo si Executive Assistant ng Provincial Governor Jigs Panganiban bilang kinatawan ni Gov. Danilo Suarez.
Sa ilalim ng batas, bibigyan ng naturang pagkilala ang mga barangay na matagumpay na napaunlad ang kanilang komunidad sa pamamagitan n g mga programa at polisiya.
No comments