By Lolitz Estrellado February 29, 2020 Mayor Tony Dimayuga Full (Photo by Mayor Tony Dimayuga Full Facebook) SAN PASCUAL, Batang...
February 29, 2020
SAN PASCUAL, Batangas – Muling ipinakita ng mga mamamayan ng San Pascual, Batangas ang kanilang walang maliw na pagmamahal at suporta sa kanilang punong bayan, kagalang-galang ANTONIO DIMAYUGA na muli nilang iniluklok sa poder noong nakalipas na May 13, 2019 polls, laban sa noon ay nakaupo pang si ex-Mayor Roana Conti.
Si Mayor Dimayuga ay may kung ilang termino na ring naglingkod sa San Pascual, at ayon mismo sa kanyang mga kababayan ay napakabuti nito, matapat at mahusay ang pamamalakad sa kanilang bayan. Ang mga programa at proyektong inaasahang mag-aangat sa kabuhayan ng mamamayan at sa ekonomiya ng San Pascual ay patuloy na tinututukan ng Butihing Ama ng Bayan, sa tulong, suporta at pakikiisa ng Sangguniang Bayan ng Hepe, at Empleyado ng iba’t-ibang tanggapan at ahensya ng lokal na pamahalaan, at ng mga San Pascualeño mismo.
Kabilang sa mga programang pinagtutuunan ng administrasyong Dimayuga ay ang nauukol sa kalusugan, kabuhayan, edukasyon, kapayapaan, kapaligiran, turismo at imprastraktura. Nananatiling pangunahing prayoridad ng pamahalaang bayan ng San Pascual ang pagpapaunlad at pagpapataas ng kalidad ng edukasyon, kaya naman ito ang pinaglaanan ng malaking bahagi mula sa taunang gugulin nito para ngayong 2020. Sa isang ekslusibong panayam kay San Pascual Mayor Antonio Dimayuga kamakailan, binigyang-diin nito na para sa kanya ay pinakamahalagang instrumento sa pag-unlad ng sambayanan ang edukasyon kaya naman buong-buo at 100 porsiyento ang kanyang suporta rito, gayundin naman ng iba pang lokal na opisyales ng pamahalaang bayan.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
“Mula sa milyong inilaang pondo na gugugulin ngayong taong 2020 ang malaking bahagi nito ay mapupunta sa edukasyon at sa personnel services. Susunod naman dito ay ang mga proyektong pang-imprastraktura,” paliwanag ng butihing punong bayan. Ayon pa kay Mayor Dimayuga, mula pa rin sa taunang gugulin ng kanyang administrasyon ay pagkakalooban ng pamahalaang bayan ng pondo ang bawat barangay ng San Pascual. Sinabi rin nito na bukod sa edukasyon at imprastraktura, pinagtutuunan din nila ang iba pang programang nakalatag sa kanyang executive agenda o development plan, kabilang dito ang kalusugan, kabihayan, kalinisan, kaayusan at katahimikan, turismo, pagnenegosyo at industriya, pangangalaga ng kapaligiran at likas na yaman, sports at youth development, at ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.
“Sa pamamagitan ng maayos na pamamahala, transparency, sa tulong at suporta ng ating bise alkalde, sangguniang bayan, mga hepe at empleyado ng iba’t-ibang tanggapan ng munisipyo, mga barangay leaders, at ng mismong ating mga kababayan, umaasa tayo na makakamit natin ang tunay na kaunlaran at ang tagumpay ng ating mga proyekto,” pahayag pa ni Mayor Dimayuga kasabay ng pasasalamat sa lahat. “Mahusay na, matino pa. Subok na namin si Mayor Tony Dimayuga. Kung matatandaan po ninyo, noong 2012 ay pinagkalooban ng DILG ng SEAL OF GOOD HOUSEKEEPING AWARD ang San Pascual sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Tony, dahil na rin sa very good performance in internal housekeeping niya, at iyan po ay ayon mismo sa DILG,” pahayag ng isang barangay captain na hindi na nagpabanggit ng pangalan.
Mayor Tony Dimayuga Full (Photo by Mayor Tony Dimayuga Full Facebook) |

No comments