Page Nav

HIDE


Breaking News:

latest

Ads Place

Mayor Joric: MRT-4 sagot sa malalang trapik sa Ortigas-Rizal

Ni Nep Castillo, saktoNEWS February 29, 2020 Si Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula (file photo) TAYTAY, Rizal - MALAKI ang maitutul...

Ni Nep Castillo, saktoNEWS
February 29, 2020

Si Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula (file photo)


TAYTAY, Rizal - MALAKI ang maitutulong sa lumalalang trapik sa kahabaan ng Ortigas Avenue kapag sisimulan na ang konstruksiyon ng MRT-4 na magsisimula sa susunod na taon at matatapos sa 2025.

Ito ang tinuran ni Mayor Joric Gacula ng bayan ng Taytay sa lalawigan ng Rizal sa isang panayam ng mga mamamahayag sa opisina nito kung saan isa lamang ang trapik sa naging paksa sa usapan.

Nagbigay na ng pahintulot ang National Economic and Development Authority (NEDA) na pasimulan na sa susunod na taon ang nasabing train system na nagkakahalaga ng P59.3 bilyon.

“Naghahanda na kami at pinag-aaralan ang magiging epekto nito sa tatamaang lugar ng konstruksiyon tulad ni Gobernadora Rebecca Ynarez, Cainta Mayor Kit Nieto, Pasig City Mayor Vico Sotto at Antipolo City Mayor Andrea Ynares,” ang sabi ni Gacula.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ang 15.56 kilometrong elevated monorail transit system na ito ay pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) para mabigyang solusyon ang lumalalang trapik sa Ortigas Avenue.

Magsisimula ang nasabing proyekto sa N. Domingo Station sa Quezon City at babaybay sa Ortigas Business District ng Pasig at dadaan sa Cainta Junction hanggang sa Tikling sa Taytay.

“Ang totoo, band-aid solution lang talaga ang magagawa muna namin. Tulad nga ng sinasabi natin lagi, kailangan ng kaunting pasensiya at kapag natapos na ay ginhawa din ang hatid nito sa atin,” ayon pa sa alkalde.

Batay sa kasalukuyang daloy ng mga sasakyan, may mga nagmumula pa sa Bicol provinces at Quezon Province na dumadaan sa Pililia, Teresa, Antipolo at pababa ng Taytay patungo sa Kalakhang Maynila at papuntang Gitna at Hilagang Luzon.

“Ito ang pinaka-ideal na solusyon. Malaki kasi ang volume ng traffic at apektado rito ang maraming mga residente ng aming lalawigan,” pagtatapos ni Gacula.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.