Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Mga hotel at restaurant sa Tagaytay handang magbukas upang makabangon ang turismo

By Ma. Cristina Arzado February 1, 2020 TAGAYTAY CITY - Nakahandang magbalik-operasyon ang mga tourism facilities sa Tagaytay anumang ar...

By Ma. Cristina Arzado
February 1, 2020

TAGAYTAY CITY - Nakahandang magbalik-operasyon ang mga tourism facilities sa Tagaytay anumang araw upang pasiglahing muli ang tinaguriang top tourist destination in the South sa kabila ng hindi pa rin naibabalik ang kuryenye at tubig sa buong syudad.

Ayon Engr. Gregorio Monreal, Tagaytay city administrator, hindi pa 100 percent na naibabalik ang supply ng tubig at kuryente sa Tagaytay kaya’t hindi pa makabalik sa normal operations ang mga hotel at restaurants.

“Kakaunti pa rin ang may tubig sa Tagaytay. Yung mga abong naipon sa kalsada ay mano-manong tinatanggal at hindi ginagamitan ng tubig para hindi na makadagdag sa pangagailangan ng tubig,” aniya.

Dagdag ni Monreal, agad na hihingin sa water district na ibalik ang supply ng tubig kapag naging stable na ang supply ng kuryente. Ang karamihan sa water supply needs ng Tagaytay ay nanggagaling sa ngayon sa deep wells at tubig na nirarasyon ng mga water suppliers.



Hiniling din ng mga tourism operators na malinisan din ang mga halaman sa Tagaytay na nababalot pa rin sa makapal na volcanic ash.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




“Ang mga halaman ay simbolo din ng Tagaytay. Sana’y maibalik sa dating luntian ang mga ito,” ayon sa isang hotel representative.

Hindi pa nakakapagbukas ang karamihan sa mga hotel at restaurant sa Tagaytay mula nang pumutok ang Taal Volcano noong Linggo. Boluntaryong sinara ng mga hotel ang kanilang facilities upang masigurong hindi muna mag-aakyatan sa syudad ang mga turista habang may banta pang pagsabog ang bulkan.

May mga mangilan-ngilan namang restaurant ang nanatiling bukas kahit matinding ashfall ang naranasan mula Enero 12.

Ani Fe Javier ng Viewsite Restaurant, hindi sila nagsarado maski malalakas ang naramdamang pagyanig dahil may mga kustomer pa ring naghahanap ng makakainan.

Tiwala si Javier na manunumbalik din ang sigla sa Tagaytay kapag tuluyang ng binuksan ang mga iba pang tourist establishments sa syudad. (MCA/PIA)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.