By PIO Lucena/ R.Lim February 22, 2020 Dahilan sa mga programa at proyektong ipinagkakaloob sa mga bata sa lungsod ng Lucena, lubos na pi...
February 22, 2020
Dahilan sa mga programa at proyektong ipinagkakaloob sa mga bata sa lungsod ng Lucena, lubos na pinasalamatan ng mga magulang ng mag-aaral sa day care ang pamahalaang panlungsod sa pamumuno ni Mayor Roderick “Dondon”Alcala.
Ilan sa mga programa at proyekto para dito ay ang libreng pag-aaral ng kanilang anak sa nasabing yugto na kung saan anila ay kinakailangan pa noon nilang bayaran.
Gayundin ang pagkakaloob sa mga ito ng kagamitan na magagamit ng mga mag-aaral tulad ng school supplies tuwing sasapit ang simula ng pagpasok sa mga paaralan.
Isa rin sa kanilang ipinagpapasalamat ay ang paglilibre sa mga gagastusin naman ng kanilang mga anak sa pagsapit ng pagtatapos ng mga ito.
Sa nabanggit na okasyon, libreng ipinagkakaloob sa mga kabataang ito ang kanilang toga, ang kaunting handa at maging ang kanilang souvenir picture na kung saan ay kasama pa ng mga ito ang punong lungsod na si Mayor Roderick “Dondon”Alcala.
Bukod sa pagkakaloob sa mga mag-aaral ng daycare sa lungsod, maging ang mga guro ngmga ito ay hindi rin kinakalimutan ng local na pamahalaan.
Pinagkakalooban rin ang mga ito ng ilang mga kagamitan na kanilang magagamit sa pagpapaganda at pagsasaayos ng kanilang silid aralan.
At maging ang ilang mga kagmitan sa paglilinis ng silid at gamit sa banyo ay libre ring ibinibigay sa mga ito.
At dahilan dito, lubos na pinasasalamatan ng mga magulang ng mga mag-aaral sa day care ang mga programa at proyektong ito ng pamahalaang panlungsod na anila ay tiyak na nakatulong upang mas lalo pang maging masipag at pagbutihin ng kanilang anak ang pag-aaral dito.
Ang mga nabanggit na benipisyong natatanggap ng mga kabataang nag-aaral sa child development centers sa lungsod ay ilan lamang sa mga ipinatutupad para sa mga ito at tiniyak rin ni Mayor Dodnon Alcala na patuloy pa siyangmag-iisip ng mga magagandang programa at proyekto para sa nasabing sector upang mas lalo pang ganahang mag-aral ang mga ito dahlia sa isa sa mga ninanais niya para sa mga kabataang Lucenahin ay ang magkaroon angmga ito ng maayos at de-kalidad na edukasyon.
No comments