By Ronald Lim February 22, 2020 Mga nagsagawa ng Oplan Sita. Upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa isang barangay, na...
February 22, 2020
Mga nagsagawa ng Oplan Sita.
Upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa isang barangay, nagsagawa ang pamunuaan ng Lucena City Police ng isa sa mga programa nito na “Oplan Sita”.
Isinagawa ang nabanggit na aktibidad sa bahgi ng Barangay Ilayang Iyam na kung saan ay nakasama dito ng ilang mga tauhan ng kapulisan ng lungsodang pamunuan ng Sangguniang barangay.
Namuno sa naturang operasyon si PEMS Erald Cristobal para sa hanay ng Lucena City PNP habang nanguna naman para sa Sangguniang Barangay ng ilayang Iyam si Chairman Romeo “Romy”Comia.
Nakatuwang rin ng mga ito ang ilang mga miyembro ng PCP Cotta, ilang mga tauhan ng Traffice Enforcement Section at BPATS ng nasabing barangay.
Sa nasabing operasyon, pinahihinto ng mga nabanggit na tauhan na nagsasagawa ng operasyon ang mga motoristang nakasakay sa motorsiklo.
Kanilang tinitingnan ang mga papeles at inaalam kung kumpleto ang mga ito at sakali na magkaroon ang mga ito ng probelam o kaya naman ay may kulang ang mga ito ay kanila itong iniimbestigahan.
Maging ang mga driver na walang suot na helmet ay kanila ring binibigyan ng tiket dahilan sa violation ng mga ito.
Hindi rin nakaligtas sa nasabing check point ang mga motorsiklong mayroong maiingay na tambutso na kung saan ay mahigpit itong ipinagbabawal.
Sakaling may mga pasaway na driver na naglalagay ng maiingay na tambutso sa kanilang sasakyan ay ipinatatanggal ng mga nanghuhuling opisyal ang tambutso ng mga ito at kanilang ipinapipitpit sa may-ari nito.
Ayon sa mga opisyal na nagsagawa ng nabanggit na operasyon, ang hakbangin nilang ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng mga motoristang Lucenahin.
Gayundin ang pag-iimplenta ng mga batas trapiko na anila ay binabalewala na ng maraming motorista.
Ayon naman kay Kapitan Romy Comia, isang mahalagang aktibidad ito ng kwerpo ng kapulisan ng lungsod upang matiyak ang kaayusan sa kanilang lugar.
Pinasasalamatan rin nito ang tauhan ng Lucena City PNP dahilan sa isa sa napili ng mga ito na magsagawa ng check point ay ang kanilang barangay.
Isa lamang ang Oplan Sita sa mga programa ng Lucena City Police pagdating sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng lungsod ng Lucena dahilan sa paghahangad ng mga ito na ang bawat Lucenahin ay maging ligtas sa anumang uri ng kriminalidad.
No comments