By PIO Lucena/ R.Lim February 22, 2020 Sa pagnanais na maging malinis ang kapaligiran ng lungsod, nagsagawa ng paglilinis ang...
By PIO Lucena/ R.Lim
February 22, 2020
Sa pagnanais na maging malinis ang kapaligiran ng lungsod, nagsagawa ng paglilinis ang mga tauhan ng Solid Waste Management Office sa ilang mga barangay ng lungsod.
Bitbit ang kanilang mga gamit sa paglilinis at pagwawalis, nilinis ng mga ito ang bahagi ng Barangay 5 at 7 sa poblacion ng Lucena.
Maging ang mga puno na malalago na ang sanga ay kanilang tinabasan at nilinis ang masusukal na lugar sa nabanggit na barangay.
Ayon sa head ng SWDO na si Frederick Go, tuloy-tuloy ang pagsasagawa nila ng ganitong uri ng aktibidad dahilan sa pagnanais nang mga ito na maging malinis ang lungsod.
Hangad rin ng mga ito na maging kaaya-aya ang bawat barangay sa lungsod upang maging maganda ito sa paningin ng bawat Lucenahin at maging ng mga magtutungo dito.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Bukod pa rin dito ang paghahangad ng mga ito na maging ligtas sa anumang uri ng sakit na dala ng maduming kapaligiran ang mga naninirahan dito.
Binigyang pasasalamat rin nito ang lahat ng mga opisyales ng bawat barangay sa lungsod dahilan sa ginagawang pakikiisa ng mga ito para sa pagpapanatili ng kalinisan ng Lucena.
Dagdag pa rin ni Go, sakaling mayroong mga barangay sa lungsod na nagnanais na palinisan ay kinakailangan lamang na makipag-ugnayan ang mga ito sa kanilang tanggapan upang ma-iskedyul ito at mapalinisan.
Magtutuloy-tuloy rin aniya ang kanilang paglilinis upang sa ganun ay mas maengganyo pa ang mga namumumo sa bawat barangay sa Lucena na panalitihin ang kanilinisa at kaayusan ng kanilang barangay.
Gayundin ang mailayo ang mga ito sa anumang uri ng sakit na maaring dala ng maruming kapaligiran.

No comments