Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

One strike policy ni PNP Chief Gamboa gaano katibay?

February 1, 2020 Muli nanaman natin narinig ang salitang “ONE STRIKE POLICY” laban sa mga iligal na sugal o Presidential Decree (PD1602) n...

February 1, 2020

Muli nanaman natin narinig ang salitang “ONE STRIKE POLICY” laban sa mga iligal na sugal o Presidential Decree (PD1602) na tinatawag din na Anti-Illegal Gambling ng Philippine National Police o PNP sa katauhan ni bagong upo sa puwesto na si PNP Chief Director General Archie Gamboa ang utos nito sa mga chief of police, district commanders, provincial directors hanggang sa kanilang mga regional directors ay linisin ang kanilang mga nasasakupan laban sa mga nagkalat na bisyo isa na nga dito ang mga nagsusulpotan na parang kabute na mga iligal na pasugalan.

Babala pa nga! nitong si PNP Chief Gamboa ay masisibak sa puwesto ang mga opisyal na hindi maipapatupad ang kaniyang direktiba huh! nakupo hindi kaya parang humihingi ng HIMALA itong si General Gamboa sa kanyang mga tauhan? kung ating matatandaan ay matagal ng polisiya iyan sa PNP ang “ONE STRIKE POLICY” pero kadalasan ay pitsa o tongpats ang nai-istrike at diretso sa bulsa ng ilan mga PNP officials hehe! tulad na lamang dito sa area ng CALABARZON napakarami ng mga STL-Jueteng na bread and butter ng mga nakikinabang na ilan pulitiko at police chiefs gaya diumano ng sa bayan ng San Jose, Calaca, Padre Garcia, Taysan, Tanauan, Sto.Tomas at Lipa City sa Batangas ay nagkalat umano ang mga bookies ng jueteng at mga peryang sugalan katulad ng itinayo ni alyas “MELY” sa Brgy. Pinagkawitan at Brgy.Anilao Labac at ayon sa ating mga impormante ito daw po ay protektado ng mga kapulisan sa lungsod at mga nakadikit kay Mayor Eric Africa?

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Panawagan natin sa alkalde ay dapat agad niya itong aksiyonan at ipatigil lahat ng iligal na sugal sa kanyang nasasakupan makipagtulongan kay Gen.Gamboa. ayaw na natin sanang banggitin pa ang pangalan ng hepe sa Lipa City na si PLtCol. Antonio Rotol para umaksiyon subalit ito ay utos ng kanyang pinakamataas na punong heneral at dagdag pa nga ng PNP Chief ay isasama niya sa performance evaluation ng mga police officials ang bagsak o bigo nilang pagpuksa crimes against public morals kasama na nga diyan ang sugal at laban sa iligal na droga.

Binanggit naman ni PNP Spokesman BGen.Bernard Banac base sa kanilang monitoring pinakatalamak diumano ang mga bawal na sugalan sa Metro Manila, Central Luzon at CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) anong masasabi kaya ng mga sinasabing gambling queens PIPA President Evie Mendoza, Aling Tessie at Baby Panganiban na papataas ang kasikatan ng kanilang mga negosyong iligal na may dayang sugal?

Nagbigay din ng kaniyang suporta sa nabanggit na kampanya si DILG Under Secretary Martin Diño na kapatid natin sa Volunteers Against Crime and Corruptions at nag-utos na rin ito sa mga nakakaalam ng mga illegal gambling na agad ibigay ang mga pangalan ng mga barangay chairman at lugar kung saan ginagawa ang ganitong mga bisyo.

Abangan natin kung kaninong boses at utos ang masusunod kung ang kay PNP Chief Gamboa ba o sa mga iligalista?….abangan maraming kasunod.

Bukas naman ang ating linya ng ating komunikasyon sa mga personalidad na ating naisulat 0936-711-3017 globe at koilaura13@gmail.com. (patrolngbayannews)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.