By Mamerta P. De Castro February 15, 2020 LUNGSOD NG BATANGAS - Muling palalakasin ang Turismo sa lalawigan ng Batangas. Ito ang nag...
February 15, 2020
LUNGSOD NG BATANGAS - Muling palalakasin ang Turismo sa lalawigan ng Batangas.
Ito ang naging sentro ng usapan sa isinagawang Batangas Economic Recovery Round Table (BERRT) discussion sa Lima Park Hotel sa bayan ng Malvar noong ika-7 ng Pebrero 2020.
Ang BERRT ay isang private sector-led multi-sectoral initiative na pinangunahan ng Faith Colleges upang magkaroon ng epektibo at maayos na koordinasyon para sa economic recovery efforts sa lalawigan ng Batangas kaugnay ng Taal volcano eruption.
Sinabi ni Dr. Saturnino Delen, Chairman, First Asia Venture Capital Inc. at kasalukuyang Presidente ng Faith Colleges Inc., layon ng roundtable discussion na makapagbahagi ng karanasan partikular sa pagbuo ng disaster plan at pangangailangan sa mga pagsasanay tulad ng volcano eruption drill.
___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___
Aniya, mahalaga ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan at pribadong sektor maging ang iba pang stakeholders upang makapagbahagi ng mga kaalaman o best practices na magagamit ng bawat isa.
Naging bahagi din ng pagpupulong ang pagtalakay sa mga hamon sa business industry sa lalawigan partikular ang mga resorts at hotels kung saan karamihan ay nagkaroon ng zero accomodation sa panahong nararanasan ang pag-aalburuto ng bulkan. Maging ang mga resorts at hotel na malayo sa bahagi ng Taal Lake District ay apektado kung kaya’t naging malaki ang impact nito hindi lamang sa negosyo kundi maging sa Turismo.
Ayon kay Governor Hermilando Mandanas, hindi lamang ang mga munisipalidad sa paligid ng Taal ang maaaring bisitahin dahil mayroon pang Balayan Bay at Batangas Bay na malayo sa danger zone.
“Bagama’t ang Taal Volcano ang isang pamosong lugar dito sa lalawigan, marami pang ibang lugar ang maaaring dayuhin ng mga turista, nandiyan ang magagandang beaches natin sa bahagi ng San Juan, diving sites sa Mabini at resorts sa Nasugbu. Sa papalapit na Semana Santa nandiyan ang Padre Pio Shrine, ang Basilica ng Immaculada Concepcion sa Batangas City, San Sebastian Cathedral sa Lipa at iba pang simbahan na hindi naapektuhan ng pagsabog ng bulkan,” ani Mandanas.

Ayon kay Maritess Castro, Regional Director ng Department of Tourism, "Habang ginagawa ng pamahalaan ang rehabilitasyon sa paligid ng Taal Lake District, magandang maipakita din sa publiko ang kabilang bahagi ng lalawigan na hindi apektado at maaaring makatulong upang buhayin muli ang turismo sa lalawigan kung saan dapat magkaroon ng familiarization tour upang maiwasang ma-generalize na ang buong lalawigan ay hindi bukas sa turismo.”
Binigyang-diin naman ni Tony Meloto, founder ng Gawad Kalinga na maaaring gawing oportunidad ang isang trahedya na tulad ng idinulot ng Taal Volcano eruption.
“Mas magandang gawing opportunity ang isang tragedy dahil mas mapapataas nito ang antas ng pagtingin ng mga tao sa buhay. May samahan po kami dito sa lungsod ng Lipa na tinawag naming Senior Fun Club kung saan sa darating na mid-February ay magtu-turn over kami ng limang palikuran sa mga paaralan dito dahil nakita namin ang pangangailangan at ito ay itutuloy tuloy namin,” ani Meloto.
Sa huli ay ibinahagi ni Juan Lozano ng Executive Vice President Faith Colleges ang kanilang pagbisita sa isang volcanic mountain sa Taiwan ang nagbigay ng ideya upang mabuo ang Bakwit finder, isang mobile app kung saan maaaring matunton ang isang evacuee sa pamamagitan ng pag-log sa naturang app.
Ang app ay may dalawang feature, una ang paghanap ng pangalan ng mga evacuees at ang ikalawa ang paghanap ng evacuation center. Isang malaking challenge ang paghanap ng raw data mula sa lokal na pamahalaan kaya’t tinututukan ng Faith colleges ang pagpapalawak ng app upang magamit hindi lamang para sa Batangas kundi maging sa buong bansa lalo na at calamity-prone area ang Pilipinas. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments