Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PDIC katuwang ang media sa pag-papaabot ng serbisyo publiko

By Rachel Joy Gabrido February 22, 2020 Pinangunahan ni PDIC Vice President of Corporate Affairs Group Jun Villaret ang pagbibigay im...

By Rachel Joy Gabrido
February 22, 2020

Pinangunahan ni PDIC Vice President of Corporate Affairs Group Jun Villaret ang pagbibigay impormasyon sa media patungkol sa mga serbisyo at programa ng kanilang ahensya. (Photo by PIA Calabarzon)



LUNGSOD NG CALAMBA, Laguna, February 20 (PIA) --Nanawagan ang Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC sa lokal na media na maging katuwang sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa mga serbisyong kanilang ibinibigay.

Nagsagawa ang PDIC ng kauna-unahang Media 101 na dinaluhan ng mga lokal na media mula sa lungsod na ito at mga karatig-bayan noong ika-12 ng Pebrero 2020.

Layon nitong maipakilala ang kanilang ahensya at maging katuwang ang media sa pagpapa-abot ng mahahalagang impormasyon at serbisyo na maaaring makatulong sa publiko.

Isa sa mga programang isinulong ng ahensya at ipabatid sa publiko ay ang isinagawang PDIC Caravan sa Calamba City Hall sa noong na ika-19 hanggang ika-20 ng Pebrero.

Sa temang “Abot-Lingkod Program,” ang naturang caravan ay naglalayong makapag-abot ng tulong at makapagbigay kaalaman sa publiko hinggil sa deposit insurance, loans at iba pang mga serbisyo ng ahensya.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Pangunahing hinihikayat ng PDIC ang mga depositors, borrowers, creditors lalo’t higit ang mga kliyente ng mga nagsaradong bangko noong mga taong 2018 at 2019 mula sa Empire Rural Bank, Women’s Rural Bank, Tiaong Rural Bank, Rural Bank of Pagbilao, Rural Bank of Mabitac, Rural Bank of Lemery, AMA Bank at Maximum Savings Bank na dumalo sa Caravan upang sila ay mabigyan ng tulong.

Ayon kay Vice President of Corporate Affairs Group Jun Villaret, ang layunin ng PDIC ay maprotektahan ang mga depositors at matulungan ang mga ito na magkaroon ng financial stability sa pamamagitan ng insurance coverage gayundin ang maisulong na magkaroon ng mandatory deposit insurance coverage system sa lahat ng bangko sa bansa.

Magsasagawa rin ng mga karagdagang financial literacy lectures sa mga piling eskwelahan sa lungsod ng Calamba bilang bahagi naman ng kanilang Be a Wise Saver (BAWS) campaign, makikipag-ugnayan din sila sa mga real estate developers and brokers upang maipagbigay alam sa mga ito ang mga properties na bukas at handa para sa public bidding. (RJCG/Maine Odong/PIA4A)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.