Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

PG-ENRO, nagbahagi ng kanilang mga accomplishment, proyekto at programang ginagawa

By Quezon PIO February 8, 2020 PG - ENRO Head Manuel Beloso (Center) and Employees with EA III Roger Panganiban (White Polo-Barong) dur...

By Quezon PIO
February 8, 2020

PG - ENRO Head Manuel Beloso (Center) and Employees with EA III Roger Panganiban (White Polo-Barong) during the regular flag raising ceremony last February 3, 2020. (Photo by Quezon PIO)

Quezon Province – Nanguna sa sinagawang regular na Flag Raising ng Pamahalaang Panlalawigan ang tanggapan ng Provincial - Government Environment and Natural Resources (PG-ENRO) sa pangunguna ng Hepe nito na si G. Manuel Beloso.

Bukod sa kanilang nakakaindak na pampasiglang bilang sa kabila ng sungit ng panahon hindi naman nagpahuli ang kanilang tanggapan sa pagbabahagi ng kanilang mga accomplishment, proyekto at programang ginagawa para sa ating kapaligiran sa Lalawigan ng Quezon.

Kabilang na rito ang regular na monitoring sa planting areas sa ating Lalawigan, Pag-assist sa iba’t-ibang grupo na nagsasagawa ng tree planting activities, Pagiging kabilang ng kanilang tanggapan sa environmental working group sa ikalawang distrito, Information Dissemination sa mga Paaralan, Barangay at Munisipyo kaugnay sa Climate Change at ang pagpapaigting ng Solid Waste Management System na pinatutupad di lamang sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan kundi maging sa mga bayan sa ating Lalawigan.

Habang ibinahagi ng kanilang tanggapan ang isang magandang resulta ng kanilang mahigpit na pagpapatupad ng Solid Waste Management System kung saan ay bumaba ng humigit kumulang sa walong libong kilo ang waste disposal mula sa Pamahalaang Panlalawigan ang dinadala sa Lucena Dump Site. Kung kaya patuloy ang kanilang pagbabawal ng paggamit ng plastics.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Gayon din inaasahan naman ang mga parating na Environmental Celebration kung saan sa March ay gugunitain ang World Water Day Celebration, sa April ang Earth Day, June naman ang Environment Month and Day gayon din sa June 30 isasagawa naman ang Provincial Mangrove Day at sa September ang International Coastal Clean-Up Day.

Samantala sa naging mensahe ni Executive Assitant III G. Roger A. Panganiban kanyang ibinahagi ang mga naging gawain ng ama ng Lalawigan ng Quezon kasama na ang pagtanggap ng Award ng ating Pamahalaan na PaNata ng Bayan Award kaugnay sa programang Q1K. Gayon din ang pamamahagi ni Atty. Joanna Suarez, Pangulo ng KALIPI ng health coupon sa mga bayan ng Patnanungan at Jomalig maging ang pamamahagi ni Senior Board Member Jet Suarez ng mga yero at rescue tricycles sa bayan ng San Francisco at Catanauan.

Dagdag pa ni EA III Panganiban at ni Quezon Public Information Officer Ma. Janet Geneblazo ang panawagan sa publiko na iwasan ang paagbabahagi ng mga maling impormasyon kaugnay sa Novel Corona Virus (NCoV) at makinig lamang sa mga impormasyong ibabahagi ng mga nararapat na ahensya, gaya ng Department of Health.

Ginugunita naman ng Quezon Provincial Government Officials and Employees Multi-Purpose Cooperative ang kanilang ika-limampung taong anibersaryo kasabay ng iba’t-ibang aktibidad na kanilang isasagawa gaya ng Zumbalik Alindog Program, Tree Planting, Job/s Fair, Member Friday Market, Coop Bingo, Seminar at Fun Run na bahagi ng kanilang selebrasyon.

Tuloy pa rin ang mga programa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng PG-ENRO sa pangangalaga ng kalikasan sa buong Lalawigan.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.