Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Public market ng lungsod ng Lucena, kumikita ng mahigit sa P27 milyon kada taon

By PIO Lucena/ R.Lim February 22, 2020 Si Public Administrator Noel Palomar kasama ang mga kawani ng tanggapan ng Public Market Office...

By PIO Lucena/ R.Lim
February 22, 2020

Si Public Administrator Noel Palomar kasama ang mga kawani ng tanggapan ng Public Market Office.

Lungsod ng Lucena – Aabot sa tinatayang mahigit na P27 milyong piso ang kinikita ng Public Market ng lungsod na ito kada taon.

Ito ang naging pahayag ni Mayor Roderick “Dondon”Alcala sa isinagawang pananalita sa ginanap na regular na pagtataas ng watawat ng pamahalaang panlungsod.

Ayon kay Mayor Dondon Alcala, nakamit ng tanggapan ng Public Market Office ang naturang halaga dahilan sa maayos na pangongolekta ng buwis sa mga maninidahan dito.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Binigyang pasasalamat rin ng punong lungsod ang lahat ngmga stall owners at maging ang iba pang mga maninidahan sa pamilihang panlungsod dahilan sa giangawang kooperasyon at pakikiisa ng mga ito sa lahat ng programa at proyekto na ipinatutupad ng local na pmahalaan sa nasabing pasilidad.

Binigyang tagubilin rin ni Mayor Alacala ang lahat ng mga nagtitinda dito na palagiang panatilihin ang kalinisan ng kanilang lugar upang sa ganun ay mas maging kaaya-aya ito sa lahat ng mga magtutungo ditto na maari ring maging dahilan upang lumaki ang kanilang kita.

Samantala, sa naging ulat naman ni Public Administrator Noel Palomar, sinabi nito na isa rin sa naging dahilan ng pagtaas ng kita ng pamilihang panlungsod ay ang magandang pagsasamahan ng mga maninidahan at nang kanilang tanggapan.

Bukod pa rin dito ang pagdagsa ng mga mamimili na nagmumula pa sa mga karatig na bayan at maging ang mga karatig na lalawigan.

At sa simula nang mapaganda at tawaging “mall market” ang nasabing pasilidad ay mas tinangkilik na ito ng mga mamimili.
Batay sa tala ng City Treasurer’s Office, kumikita lamang ang Public Market ng lungsod ng nasa P15 milyong piso kada taon ngunit sa simula nang maupo bilang alkalde ng Lucena ang kasalukuyang punong lungsod ay umabot na ito sa naturang halaga at patuloy pang tumataas. 

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.