February 8, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagdiriwang ng buwan ng National Oral / Dental Health month, ang Provincial Government of...
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Sa pagdiriwang ng buwan ng National Oral / Dental Health month, ang Provincial Government of Quezon sa pamamagitan ng Integrated Provincial Health Office na pinamumunuan ni Dra. Grace V. Santiago kasama ang Quezon Dental Chapter, ay nag-organisa ng mga aktibidad para sa isang buwang selebrasyon sa Lalawigan ng Quezon, na may temang “Tamang Edukasyon, Impormasyon at Serbisyo Para sa NGITIng toDOH sa Kalusugang Pangkalahatan”.
Alinsunod sa Presidential Proclamation No. 559 na nilagdaan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, ang National Oral Health Month ay naglalayong mapalakas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagpapanatili ng good oral health para sa lahat ng edad at lahat ng mga sektor ng lipunan.
Bukod sa pagpapataas ng kamalayan sa dental health, ang pagdiriwang din ay naglalayong hikayatin ang pakikilahok ng mga local government unit (LGU), mga partners at stakeholder sa pagbibigay ng serbisyong oral health sa mga paaralan at komunidad, at palakasin ang paghahatid ng serbisyo sa oral health.
Sa mga aktibidad sa pagdiriwang ng isang buwang selebrasyon sa Lalawigan ng Quezon ay isasama ang information dissemination, kampanya sa edukasyon sa oral health sa pamamagitan ng classroom talk at simposium at pagtataguyod ng pangangalaga sa oral health sa mga nag-aaral at kawani sa pamamagitan ng mga interactive na aktibidad, nagpapatibay sa kamalayan ng oral health sa mga buntis sa pamamagitan ng Quezon’s First 1000 Days of Life (Q1K) Program, paghahatid ng mga dental service na isinasama ang aplikasyon ng fluoride varnish at pamamahagi ng mga toothpaste at sipilyo sa mga mag-aaral sa Day Care sa paligid ng Lalawigan ng Quezon.
Sinabi ni Gov. Danilo E. Suarez na ang opisina ng Integrated Provincial Health kasama ang Quezon Dental Chapter ay mangunguna sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad na magsisimula ng Pebrero 5 hanggang 29, 2020.
No comments