Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Apat na kaso ng COVID-19 sa Batangas; Quarantine Advisory, ipinatutupad

By Mamerta P. De Castro March 21, 2020 Pinangunahan ni Governor Hermilando Mandanas ang pagbuo ng Quarantine Advisory na ipinatutupad ...

By Mamerta P. De Castro
March 21, 2020

Pinangunahan ni Governor Hermilando Mandanas ang pagbuo ng Quarantine Advisory na ipinatutupad sa buong lalawigan ng Batangas simula Marso 15, 2020 hanggang Abril 14, 2020 kasama ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force on Emerging and Re-Emerging Infectious Disease noong ika-14 ng Marso, 2020. Ito ay kasunod ng kumpirmasyon mula sa Department of Health na may apat na kaso na ng COVID-19 ang nagpositibo sa lalawigan.(Photo courtesy of Batangas Province PIO/caption by Bhaby P. De Castro-PIA Batangas)



LUNGSOD NG BATANGAS - Umabot na sa apat (4) ang kumpirmadong kaso ng COVID 19 sa lalawigan ng Batangas, base sa tala ng Department of Health (DoH).

Base sa talaan, may apat na kaso ang nagpositibo sa lalawigan kabilang ang isang 79-anyos na babaeng residente ng Batangas City at may travel history sa London; isang 72 anyos na lalaking residente ng Batangas City; isang 64 anyos na babaeng mula sa bayan ng Lemery at nanggaling sa Italy at; isang lalaki mula sa Lipa City na naka-confine sa isang ospital sa labas ng Batangas.

Kaugnay nito, pinangunahan ni Governor Hermilando Mandanas ang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging and Re-emerging Infectious Disease (IATF-EREID) upang makapagbuo ng Executive Order (EO) No. 2 HIM-10 series of 2020 o Quarantine Advisory -Province of Batangas noong ika-14 ng Marso, 2020.

Nakapaloob sa naturang EO ang pagkansela ng klase sa lahat ng antas, pampubliko man o pribado sa buong lalawigan hanggang Abril 14, 2020 upang masiguro na lahat ng mga mag-aaral ay mananatili sa kanilang tahanan upang makaiwas sa kumakalat na virus.

Mahigpit ding pinagbabawal ang social gatherings kung saan maaaring magkatipon ang malaking bilang ng mga tao tulad ng sabong, e-sabong, e-games, computer shops, regular bingo, bars, parties, movie screenings at iba pa. Ipinatutupad din ang social distancing maging sa pagdalo sa work-related meetings, religious activities, pagkain sa restoran kung saan dapat ay may isang metrong radius ang bawat tao sa isa’t-isa. Ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang siyang magsisiguro na ang mga pribadong establisimyento na may operasyon ay tatalima sa social distancing guidelines.

Patuloy naman ang public transport, sa kalsada man o sa dagat sa lalawigan ng Batangas. Para sa sea public transport passengers kinakailangang dumaan ito sa triage ng Maritime Industry Authority (MARINA) samantalang sa mga sea private transport passenger ay mula sa triage ng Philippine Ports Authority. Bagama’t simula Marso 15, 2020 ay wala ng passenger vessels ang bumibiyahe sa Batangas Port at tanging mga cargo vessels na lamang ang pinapayagang pumasok dito. Ito ay base na rin sa desisyon ng mga vessel owners upang masiguro na maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa mga pampasaherong sasakyan batay sa guidelines ng Department of Transportation Task Group for the Management of Emerging Infectious Disease, ang mga UV Express ay maaari lamang magsakay ng anim na pasahero kasama na ang driver at may isang upuan ang pagitan samantalang sa mga pampublikong dyipni at bus ay kailangang kalahati lamang ng regular na bilang ng pasahero kasama ang driver at konduktor at may isang upuan din ang pagitan.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Para sa mga pampribadong sasakyan, ang lokal na pamahalaan katuwang ang Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS) are responsible upang magmonitor ng mga biyaherong sakay nito upang iulat sa City/Municipal Health Officers at Provincial Health Office.

Nakapaloob din sa guidelines na lahat ng mga indibidwal na may travel history sa ibang bansa lalo na sa mga bansang apektado ng COVID-19 ay kinakailangang ipaalam sa konsernadong barangay ang kanilang pagdating at boluntaryong sumailalim sa 14-day home quarantine period. Ang hindi pagtalima ng mga ito ay maaaring maparusahan sa ilalim ng Republic Act 9271 o “Quarantine Act of 2004” at Republic Act 11332 na mas kilala bilang “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.”

Inatasan din ang Bureau of Immigration na magsumite ng listahan ng mga dumadating na indibidwal mula sa ibang bansa araw-araw upang maibigay sa Provincial Health Office para sa monitoring.

Magpapatuloy naman ang pagdadala ng pangunahing pangangailangan sa lalawigan tulad ng pagkain, gamot, medical supplies at gasoline.

Nakasaad din sa kautusan ang pagbabawal ng turista o mass gatherings sa mga tourist destinations tulad ng mga beaches at resorts sa lalawigan. Ang mga hotel operations naman au magpapatuloy ngunit kinakailangang magbigay ang hotel guests ng Health Declaration Card para sa posibleng contact tracing.

Ini-adjust naman sa four-day work week ang trabaho sa mga pampublikong tanggapan batay sa Civil Service Commission Resolution No. 2000481 Memorandum Circular No. 7 series of 2020 sa hanay ng Executive Branch ngunit patuloy ang operasyon ng health and emergency frontline services. Sa panig naman ng pribadong sektor, ang mga advisory ng DOLE at DTI ang magiging batayan ng mga kumpanya sa pagpapatupad ng oras ng trabaho.

Binigyang-babala din ang mga manininda o negosyante na mapapatunayang nagtatago ng paninda o nagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa panahong ito.

Ang mga siyudad o lungsod na may kumpirmadong kaso ng COVID 19 ay maaaring magpatupad ng community quarantine sa kanilang nasasakupan habang ang probisyon na nakasaad sa Executive Order na ito ay mahigpit na ipinatutupad.

Sa tala noong Marso 15, 2020 alas-4 ng hapon, may kabuuang 175 Patients Under Monitoring ang cleared na at may 114 pa ang hindi. Sa 43 Persons Under Investigation, apat na ang nag-positibo sa naturang virus. (BHABY P. DE CASTRO-PIA Batangas)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.