Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Bagong hepe ng BJMP-Male Dorm, nagbigay kortesiya kay Mayor Dondon Alcala

By Ronald Lim March 14, 2020 Si Mayor Roderick “Dondon” Alcala at bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology Male Dormitory...

By Ronald Lim
March 14, 2020

Si Mayor Roderick “Dondon” Alcala at bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology Male Dormitory si Jail Senior Inspector Hansel Kiwang kasama ang hepe ng Female Dormitory na Jail Chief Inspector Adelaida Taburada ay kawani ng BJMP-Lucena.

LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Bilang pagpapakita ng kaniyang paggalang sa namumuno sa lungsod, nagbigay kortesiya ang bagong hepe ng Bureau of Jail Management and Penology Male Dormitory kay Mayor Roderick “Dondon” Alcala.

Pormal na bumisita sa tanggapan ni Mayor Dondon Alcala si Jail Senior Inspector Hansel Kiwang kasama ang hepe ng Female Dormitory na Jail Chief Inspector Adelaida Taburada.

Malugod namang tinanggap ng alkalde ang mga naturang opisyales maging ang ilang mga tauhan nito.

Sa naging pagpupulong ng mga ito, bagamat bago pa lamang sa lungsod si Jail Senior Inspector Kiwang ay lubos na nitong pinasalamatan si Mayor Alcala dahilan sa pasuporta nito sa kanilang tanggapan.

Gayundin ang pagkakaloob sa mga ito ng kanilang mga pangangailangan at iba pang tulong na ibinibigay nito sa BJMP-Lucena.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Bukod dito, kinuha na rin ng nasabing opisyal ang pagkakataon na ito upang sambitin ang ilang mga kahilingan ng kanilang ahensya sa punong lungsod.

Ilan na nga dito ay ang pagsasaayos ng ilang mga bahagi ng kanilang compound gayundin ang paghingi ng tulong para sa ilan nilang mga kagamitan dito.

Inhayag naman ni Mayor Alcala sa dalawang opisyales ng BJMP-Lucena na kaniyang tutulungan ang mga ito sa kanilang kahilingan sa abot ng kaniyang makakaya.

Inihayag rin ng punong lungsod ang kaniyang buong pagsuporta sa lahat ng kanilang mga programa at proyekto para sa naturang ahensya.

Lubos naman ang naging katuwaan at pagpapasalamat ng mga opisyales ng nasabing tanggapan sa ipinahayag na ito na pagsuporta ng alkalde.

Sa huli bilangpagpapakita ng kaniyang paggalang at pasasalamat sa ginawang pagdalaw sa kaniyang tanggapan ay nagpakuha pa ang mga ito ng larawan bilang kanilang souvenir.

Ang pagpahahayag na ito ng kaniyang pagsuporta ni Mayor Roderick “Dondon” Alcala sa BJMP-Lucena, at maging sa iba pang nasyunal na ahensya ng pamahalaan, ay bilang pagpapakita na rin niya ng pasasalamat sa ginagawang pagsuporta at pakikiisa ng mga ito sa proyekto at programa ng local na pamahalaan. (PIO Lucena/R. Lim)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.