By PIO Batangas City March 21, 2020 Kawani ng Batangas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) BATANGAS CITY - Pinupunta...
March 21, 2020
Kawani ng Batangas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) |
BATANGAS CITY - Pinupuntahan muli ng mga social workers ng Batangas City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang mga barangay kung saan namahagi sila ng food packs upang matiyak kung ang mga ito ay natanggap ng mga taong binigyan.
Inaalam din nila ang iba pang concerns ng mga barangay kaugnay ng distribusyon at ipinaalaala ang ilang alintuntunin tulad ng house- to-house distribution Dapat ding istriktong ipatupad ang social distancing kung may mga taong nagpupunta sa mga barangay hall.
Ayon sa report ng CSWDO, March 19, ay may 5,010 apektadong pamilya na sa 105 barangay ang nabigyan na ng mga food supplies mula sa pamahalaang lungsod.
Ang mga benepisyaryo ay magkatulong na tinukoy ng CSWDO at mga barangay officials na siyang namamahagi ng mga food packs sa mga bahay-bahay.
Nagsisimula na ring mamigay ng food assistance ang ilang barangay sa kanilang mga nasasakupan gamit ang pondo ng barangay. (PIO Batangas City)
No comments