Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

CUENCA, PINAGKALOOBAN NG 2019 SEAL OF GOOD FINANCIAL HOUSEKEEPING

By Lolitz Estrellado March 7, 2020 Cuenca, Batangas – Ang Cuenca, sa ilalim ng liderato at pamamahala ng kagalang-galang na punong ...

By Lolitz Estrellado
March 7, 2020




Cuenca, Batangas – Ang Cuenca, sa ilalim ng liderato at pamamahala ng kagalang-galang na punong bayan, FAYE ENDAYA BARRETTO, ay isa sa mga pumasa at pinagkalooban ng 2019 Seal of Good Financial Housekeeping ng Department of Interior and Local Governments (DILG).

Ang nasabing gawad ay nangangahulugan ng compliance o pagtalima ng lokal na pamahalaan sa accounting and auditing standards, rules and regulations ng commission on audit (COA) at nagpapakita ito ng katapatan (honesty) at transparency sa paggastos ng public funds o pera ng bayan. Ayon kay DILG CALABARZON Regional Director ELIAS F. FERNANDEZ, JR., ito ay nagpapatunay rin na ang bayan ng Cuenca ay may compliance sa Full Disclosure Policy (FDP) ng local budget and finances, bids and public offerings katulad ng annual budget, statement of receipts and expenditures, annual procurement list, bid results on Civil works at iba pang requirements.

Ayon pa sa director, ang SGFH ay isa sa anim (6) na area na kailangang i-assess o tasahin at maipasa ng isang LGU upang mapagkalooban naman ito ng Seal of Good Local Governance (SGLG). Idinagdag pa nito na kapag ang isang bayan ay pasado sa financial administration, ito ay mayroong magandang financial standing at maaaring makautang o makapagloan sa mga bangko. Ang maayos, mahusay at matapat na pamamahala sa bayan ng Cuenca ay ipinamana ng yumaong Mayor Lerry Endaya at ipinagpatuloy ng kanyang butihing anak na si Mayor Faye.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Ayon mismo kay DILG Batangas Provincial Director ABIGAIL N. ANDRES, ang Seal of Good Financial Housekeeping ay ipinagkaloob sa Cuenca bilang pagkilala sa “very good performance in internal housekeeping” ni Mayor Endaya-Barretto. Sa loob ng maikling panahon, walong (8) buwan pa lamang sa kanyang panunungkulan, naipakita ni Mayor Endaya-Barretto ang kanyang kakayahan sa mahusay na pagpaplano, maayos na pamamahala sa pananalapi ng bayan, transparency o pagiging bukas sa lahat ng transaksyon ng lokal na pamahalaan, at accountability ganoon din sa pagpapahalaga nito sa performance monitoring.

Sa isang ekslusibong panayam sa maganda at mahusay na lady mayor, nagpaabot ito ng lubos na pasasalamat sa DILG sa gawad at pagkilala sa maayos na pamahalaan ng Cuenca, at binigyang-diin nito na sila ay serbisyo lamang at hangad na makatulong sa mga kababayan, maisulong ang pag-unlad ng kanilang bayan. Ayon kay Cuenca Municipal Planning and Development Officer Arada, mapalad ang kanilang bayan sa pagkakaroon ng isang Mayor Faye Endaya-Barretto na ma-prinsipyo, may maayos na plano ng munisipyo,patas ang pagpapatupad ng batas, tama at tapat ang paggastos sa pondo ng bayan at mayroong nakalinya at ipinatutupad ng mga proyekto at programang pinakikinabangan ng mga Cuenqueños.

Nakasentro at maayos ang nasabing mga programa at proyekto sa edukasyon, kalusugan, kabuhayan, kaayusan at kapayapaan ng bayan, kalinisan, pangangalaga ngkapaligiran at likas na yaman, turismo at iba pa. Nang mag-alburoto ang Bulkang Taal, marami ring residente ng Cuenca ang naapektuahn, particular ang mga nasa barangay ng kabilang sa danger zone at nagkaroon ng lockdown. Sa gitna ng kalamidad, pinatunayan ni Mayor Endaya-Barretto ang kanyang katatagan at kahandaan sa gitna ng pagsubok. Hindi siya nawala sa focus, at sa halip ay naging kalma lang sa pagtulong at pagsagip sa mga kababayang naapektuhan nang lubos.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.