By Quezon – PIO March 7, 2020 Governor Danilo E. Suarez with PCol. Audie L. Madrideo, Provincial Director (QPPO) LUNGSOD NG LUCENA...
March 7, 2020
Governor Danilo E. Suarez with PCol. Audie L. Madrideo, Provincial Director (QPPO) |
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Ipinagkaloob ni Governor Danilo E. Suarez ang mga patrol vehicles para sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) kabilang dito ang isang ISUZU DMax at dalawang Honda CB 750 na motorsiklo na magagamit ng Quezon Police sa pagpatrolya.
Kasabay nito ang pagbasbas sa nabanggit na mga sasakyan at blessing sa newly renovated Adoration Chapel at BGen Guillermo Nakar Bust gayon din ang blessing ng bagong gawang QPPO storage room.
Lubos naman ang pasasalamat ni Provincial Director Police Col. Audie L. Madrideo sa Ama ng ating Lalawigan Kgg. Danilo E. Suarez at sa Sangguniang Panlalawigan sa walang sawang pagbibigay ng pagsuposrta sa kanilang tanggapan.
Dagdag pa ni Provincial Director Madrideo, na malaking tulong para sa kanilang tanggapan ang mga ipinagkaloob ng Pamahalaangn Panlalawigan na mga patrol vehicles na kanilang magagamit sa pagtugon sa kanilang serbisyo upang mapanatili ang Peace and Order sa ating Lalawigan.
Habang sa naging mensahe naman ng ating Gobernador, kanyang ibinahagi ang mga programang patuloy na sinasagawa sa ating Lalawigan gaya ng mga tinurn-over na fising boat sa ating mga kababayang mangingisda sa bayan ng Macalelon at Gumaca at ang pamamahagi ng mga health coupons at agricultural products sa mga taga-Tagkawayan, Guinyangan at Calauag.
Gayon din ay malugod na ibinahagi ng ating Gobernador ang natatalang pagbaba ng crime rates sa Lalawigan, Kaya kanayang mahigpit na ipinaalala ang mga iligal na gawaing kanyanga tinututulan gaya ng illegal fishing, illegal gambling, illegal logging at illegal drugs.
Samantala, bukas umano ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagtugon sa mga kailangan ng Quezon Police magsabi lamang sa ating Gobernador dahil aniya mas mainam na alam niya ang mga tulong na maaaring ipagkaloob sa naturang ahensya.
Layon din ng Ama ng ating Lalawigan na mapatayuan ng sariling crime laboratory ang QPPO at mapalagyan rin ng mga kagamitan na kinakailangan para sa nabanggit na laboratory.
Hangad naman ni Governor Suarez na maging single digit na lamang ang datos ng crime rate sa ating Lalawigan sa tulong ng mga pulis sa ating Probinsya.
No comments