By Ruel Orinday March 21, 2020 LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mas pinalakas pa ngayon ng Quezon Provincial Inter-Agency COVID-19 Task ang...
March 21, 2020
LUNGSOD NG LUCENA, Quezon - Mas pinalakas pa ngayon ng Quezon Provincial Inter-Agency COVID-19 Task ang kampanya laban sa corona virus dissease (COVID)-19 sa lalawigan ng Quezon sa pamamagitan ng patuloy at mahigpit na pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ), curfew hour at paglalagay ng checkpoints sa iba't-ibang lugar sa lalawigan.
Sa idinaos na "Joint Quezon Provincial Inter-Agency COVID-19 Task Force at Quezon PDRRMC meeting" sa lungsod na ito, sinabi ni Gobernador Danilo Suarez na napakahalaga ng pagpupulong upang makaiwas ang mga lokal na residente sa lalawigan sa COVID-19.
"Nais ko na masegurong ligtas ang ating mga kalalawigan sa COVID-19 at hinihiling ko ang pakikiisa ng lahat sa mga programang isinasagawa at ipinatutupad ng ating pamahalaan upang malabanan ang sakit na ito", sabi pa ng Gobernador
Kaugnay nito, ang Quezon Police Provincial Office (QPPO) sa pangunguna ni Provincial Director Col. Audie Madrideo ay nauna nang nagpatupad ng kanilang security deployment plan sa entry at exit points patungo ng Metro Manila at strategic places bilang pagtalima sa pagpapatupad ng ECQ sa buong Luzon.
Ang mga checkpoints ay matatagpuan sa mga sumusunod na lugar: Barangay Kilib at Ayuti sa Lucban, Quezon; Barangay Del Rosario at Lalig sa Tiaong, Quezon; Barangay Loob sa San Antonio, Quezon; Barangay Bantilan sa Sariaya, Quezon; Barangay Llavac sa Real, Quezon; Barangay Magsaysay sa Infanta, Quezon at Barangay Sumulong sa Calauag, Quezon. Plano din ng task force na magkaroon din ng checkpoint sa mga seaports sa mga bayan at lungsod sa lalawigan.
Bukod dito, mahigpit na ring ipinatutupad ang "24 hour curfew" kung ng saan ay hindi na pinapayagan pa ang mga lokal na residente lalo na ang mga kabataan na pumunta kung saang lugar upang makaiwas sa COVID-19. Pinapayagan naman ng barangay ang isang miyembro ng pamilya na lumabas para bumili ng pagkain o gamot gamit ang quarantine pass.
Samantala, nilinaw muli ni Provincial Health Officer Grace Santiago ng Integrated Provincial Office na nagkaroon nga ng isang kaso ng COVID-19 sa Quezon pero ito ay stable na.
"Nakakahawa ang COVID-19 sa pamamagitan ng pagbahin o pag-ubo (droplets) mula sa taong may sakit nito kaya kailangan pa rin ngayon ang social distancing at paggamit ng facemask lalo na sa mga matataong lugar upang makaiwas sa virus," sabi ni Santiago. (Ruel Orinday-PIA-Quezon)

No comments