Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Maglaan ng panahon para sa Diyos

Editorial February 29, 2020 Noong nakalipas na Miyerkules, ay Ash Wednesday. Lahat marahil ng mga Romano Katoliko ay alam kung ano an...

Editorial
February 29, 2020



Noong nakalipas na Miyerkules, ay Ash Wednesday. Lahat marahil ng mga Romano Katoliko ay alam kung ano ang significance ng araw na ito. Ito ang simula ng Lenten Season, ang panahon sa kalendaryo ng mga Romano Katoliko kung kalian inaalala at binabalikan ang buhay bilang tao at ang pasyon ni Hesus, ang Anak ng Diyos.

Bagaman at maraming hindi nakakalimot upang magpalagay sa noo ng simbolo ng krus na abo, higit pa ring nakalalamang sa bilang ang mga hindi na nakaalala. “Ay Ash Wednesday pala noon, nakalimutan ko na. Mahal na Araw na pala.” Iyan ang karaniwang nasasambit ng mga taong nakalimot na. Karamihan sa kanila, ni hindi na raw nakakapagsimba o nakakapagdasal, sapagkat ayon na rin sa kanila ay abala sila sa paghahanap-buhay, sa paghahanap ng ipapakain sa pamilya. Sa kabila ng ayon sa gobyerno ay paglago ng ekonomiya ng bansa, milyon-milyon pa rin ang naghihirap at nagugutom na ang inuuna ay kung papaano maghahanap ng ilalaman sa sikmura kaysa sa pagsisimba at pagdarasal.

Tama lamang naman na magsikap at magsipag upang kumita para sa mga pangangailangan ng pamilya, pero dapat huwag kalimutan ang Diyos na siyang bukal ng kasaganaan at pagpapala. Huwag natin siyang kalimutan. Ang buhay at pagkamatay ni Hesus sa krus bilang isang normal na tao ay patunay ng walang kasing dakilang pagmamahal ng Diyos Ama sa mga tao na tinubos sa kasalanang Mortal ni Hesus.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Naganap ito sa Kagustuhan ng Diyos Ama, at ipinakita rin ni Hesus kung paano maging isang masunuring anak, bagaman at sa kanyang mga huling salita ay nasambit niya, “Ama, bakit mo ako pinabayaan.” Hindi sya pinabayaan ng Ama, sapagkat siya ay nabuhay ng mag-uli sa kaharian ng Diyos. At iyan ay tulad din ng hindi naman pagpapabaya ng Diyos sa atin. Ang anumang hirap o kawalang dinaranas ay mga pag-subok ng buhay. Kapag nalampasan, maayos na kinabukasan ang kapalit.

Ang kailangan lang, huwag iitsapwera ang Diyos sa ating buhay. Sa lahat ng ating gawa at mga pagsisikap ay palagi siyang isama. UNAHIN ANG DIYOS BAGO ANG LAHAT. Humingi tayo sa diyos, tiyak na tayo ay bibigyan, Tapos, palaging magpasalamat sa kanya. Hindi naman natin kailangan ang sobrang yaman, “lason” lang iyan. Ang tunay nakaligayahan ay nasa simpleng pamumuhay na may mga simpleng pangangailangan, tulad ng naging buhay ni Hesus dito sa lupa.

Kaya sana, kahit gaano tayo kaabala, maglaan tayo ng panahon para sa Diyos. Huwag natin siyang kalimutan upang hindi rin nya tayo makaligtaan. At mamuhay tayo kasama niya hindi lamang tuwing Lenten Season, kundi sa araw-araw ng ating buhay.

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.