Page Nav

HIDE

Breaking News:

latest

Ads Place

Pagpuputol ng koneksyon ng tubig, sinuspinde ng ilang water district sa Laguna

By Rachel Joy Gabrido March 21, 2020 BAY, Laguna - Pansamantalang ipinagpapaliban ng mga water district sa lalawigan ng Laguna ang p...

By Rachel Joy Gabrido
March 21, 2020





BAY, Laguna - Pansamantalang ipinagpapaliban ng mga water district sa lalawigan ng Laguna ang pagpuputol ng koneksyon ng tubig.

Ang Laguna Water District Aquatech Resources Corporation (LARC), Calamba Water District (CWD), Alaminos (Laguna) Water District (ALWD) at San Pablo City Water District (SPCWD) ang ilan sa mga nag-anunsyo ng pagsuspinde ng paniningil at pagpuputol ng linya ng tubig bilang tulong sa mga mamamayang apektado ng Enhanced Community Quarantine dulot ng banta ng Coronavirus Disease o COVID-19.

“Batid ng LARC ang kahalagahan ng suplay ng tubig para sa kalinisan at pag-iwas sa sakit. Gayundin,ramdam naming ang hirap sa pag-intindi ng ating kalusugan at ng mga bayarin sa panahong ito dulot ng COVID-19 at ng enhance community quarantine,” pahayag ng LARC sa Official Facebook Page nito.

Pansamantala aniyang pinagpapaliban ng LARC ang disconnection ng mga overdue accounts simula Marso 17 hanggang Abril 15, 2020 upang masiguro na ang mga customer nila ay siguradong may magagamit na tubig para mapanatili ang kalusugan at sanitasyon.

___ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW___




Dagdag pa nito, ang mga bayarin sa tubig para sa Marso 2020 ay maaaring bayaran hanggang Abril 15, 2020 na walang pataw na penalty.

Hinihikayat naman ang mga nais magbayad na gawin ito sa pamamagitan ng mobile fund transfer sa GCash o online banking sa LandBank upang makaiwas sa mahabang linya ng mga tao.

Patuloy umano ang normal na operasyon ng LARC upang makapaghatid ng suplay ng tubig sa mga tahanang sakop nito.

Wala ring ipapataw na penalty sa mga hindi makakabayad ng water bill sa itinakdang araw o due date at sinuspinde ang pagdiskonekta ng tubig sa nasasakupan ng Alaminos (Laguna) Water District na ipapatupad mula Marso 19 hanggang Abril 14.

Bukas pa rin aniya ang kanilang tanggapan tuwing Lunes hanggang Biyernes mula 8:00 hanggang 5:00 ng hapon. Ang mga magbabayad at mga hindi makakatanggap ng bill ay maaaring pumunta sa opisina o tumawag sa ALWD tel. bilang (049) 567-1432.

Pinapayuhan ang lahat nang sasadya sa opisina na magsuot ng mask at panatilihin ang 1-meter social distancing sa loob ng tanggapan.

Ang San Pablo City Water District ay nagpabatid rin na maaaring di muna bayaran ang water bill nang mga mayroong due date ng Abril 13, 2020 o mas maaga pa nang walang ipapataw na penalty charge at wala ring puputulan ng koneksiyon.

“Wala rin pong transaksiyon na mangyayari sa main office ng SPCWD sa Maharlika Highway simula Marso 18, 2020 hanggang sa petsang iaanunsyo sa susunod na pabatid,” nakasaad sa kanilang Official Facebook Page.

Nag-anunsyo rin ang Calamba Water District ng temporary suspension sa pagputol ng linya ng tubig sa kanilang nasasakupan.

Lahat nang ito ay paraan ng mga water district upang matulungan na siguruhin na matugunan ang pangangailangan sa suplay ng tubig ng mga mamamayan sa panahon ng krisis dahil sa virus. (Joy Gabrido)

No comments

Latest Articles

#SentinelTimes is Quezon Province #1 Regional Weekly Newspaper.

We're in print, website, and radio. We will bring you the latest news and updates at your fingertips.

SERVICES OFFERED:
• Commercial Advertisements (Print, Radio, Website)
• Subscription
• Extra-judicial Settlement / Partition of Estate (land, bank account, share of stock)
• Deed of Sale (motor vehicle)
• Notice of Affidavit of Loss
• Change of First Name, Birthdate, and Gender
• Invitation to Bid
• Provincial / City / Municipal Ordinances
• Public Announcements
• Sponsored Content
• and more...

EDITORIAL OFFICE ADDRESS: Sentinel Times Quezon Province Regional Weekly Newspaper is published at Dau St. Calmar Subd. Brgy. Mayao Kanluran, Lucena City, 4301 Quezon Province, Philippines
TELEPHONE: 042-717-6108
CELL: 0927-938-5896
E-MAIL: sentineltimes@yahoo.com
WEBSITE: www.sentineltimes.net/
SOCIAL MEDIA: @stcalabarzon

Disclaimer. The opinions expressed in this publication are those of the authors. They do not purport to reflect the opinions or views of the Sentinel Times or its members.